BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

62 ANYOS LALAKI WANTED SA BARIL AT DROGA NASAKOTE NG CIDT


NOVELETA, Cavite–– Nagsagawa ng operasyon ang mga elemento ng Cavite Criminal Investigation  Team (CIDT) sa pamumuno ni PO3 Gil D.Anrico sa direktang superbisyon ni P/Chief Insp. Marlon Santos  Sa Brgy. San Rafel III Noveleta, Cavite nitong nakalipas na Hulyo 16, bandang alas 6:00 ng gabi na  nagbunga ng pagka aresto ng isang Regalado Samartino y Palustre, 62, hiwalay sa asawa,magsasaka   residente ng Brgy. Road San Rafael II Noveleta Cavite. 

Inaresto ang suspek sa  bisa ng  Warrant of Arrest sa paglabag sa Section 11 , 12, Article II ng RA9165 at paglabag sa Section 1,ng Presedential Decree 1866 sa ilalim ng  Criminal Cases numbers 435-11 to 436-11  and CC No. 437-11na inisyu at nilagdaan ni Hon Judge Manuel A. Mayo of RTC, Branch 16, Cavite City. 

Sa nakalap na ulat isang police asset ang nagbigay ng impormasyon sa pagkakakita sa suspek  sa nasabing  lugar na nakasakay sa isang SUV Mitsubishi Outlander (NLU688), kaagad na nagtungo ang mga awtoridad  sa nasabing lugar, at namataang nakaparada ang sasakyan na umaanadar ang makina at naka hazard light na  waring may hinihintay, doon ay pumosisyon at pinaligiran ang sasakyan upang tiyakin kung ang suspek ang  nasa loob ng sasakyan.ng katukin ni PO3 Anrico at buksan ng tao sa loob ang bintana ng sasakyan at  matiyak na iyon ang kanilang pakay ay inaresto ang suspek. 

Sa paghahain ng warrant at sa isinagawang search sa loob ng sasakyan,nakakumpiska  ng 2 piraso ng small  heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu residue at drug paraphernalia.
62 ANYOS LALAKI WANTED SA BARIL AT DROGA NASAKOTE NG CIDT
By: REYAMOR/ REYNANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012   

No comments:

Post a Comment