BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

52-ANYOS NA LALAKI WANTED SA PULISYA TIKLO


CAVITE CITY––Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng pulisya sa lunsod ng Cavite ang isang 52 anyos na lalaking wanted  sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide sa isinagawang operasyon sa Barangay 62-B Fort San Felipe Naval Base nitong nakalipas na Hulyo 18, bandang alas 5:00 ng hapon.

Armado ng Warrant of Arrest sina PO1 Edgie Portacio ng Warrant Section, SPO1 Jennifer Manzano  Mobile Patrol Section  at PO2 Jonathan Baclas ng CID sa direktang superbisyon ni P/Supt. Rommel  Laconsay Javier hepe ng pulisya naaresto ang isang Bayani Dimayuga y Banzon, crane operator, may asawa  residente ng 102 Little Baguio  Brgy, Wawa3 Rosario Cavite. 

Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant nof Arrest   sa ilalim ng Criminal Case number 090-2011 na may  petsang Hulyo 2,2012 na inisyu at nilagdaan ni Hon. Judge Franco Paulo R. Arago MTC Branch 1 Cavite  City, na may kaukulang piyansang P30,000 sa pansamantalang paglaya nito.

Kasalukuyang nakadetine sa himpilan ng pulisya ang suspek.
52-ANYOS NA LALAKI WANTED SA PULISYA TIKLO
By: REY MORALES/ REYNANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 10 Blg. 02 July 22 - July 28, 2012 

No comments:

Post a Comment