BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

10 MANGINGISDA TIKLO SA ILLEGAL FISHING


CAVITE CITY–– Nagsagawa ng  operasyon ang mga elemento ng Cavite City Police Station sa  pamumuno ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya sa karagatang sakop ng Cañacao Bay laban  sa illegal fishing na nagbunga ng pagka aresto ng sampu katao lulan ng dalawang bangkang pangisda na  nagsasagawa ng ilegal na pangingisda gamit ang fine mesh  fishing net sa pamamaraang trawl fishing.

► Sa isinagawang imbestigasyon ni PO2 Jonathan Baclas, nabatid na isinagawa ang operasyon nitong nakalipas  na Setyembre 2, taon kasalukuyan dakong alas 2:00 ng hapon. Kinilala ang mga naarestong sina:
• Crisanto  Daueqiz Landicho, 48  anyos, may asawa, Boat Captain ng F/B MICAHEL II residente ng Ligtong 4, ; at  mga boat crew na kinilalang sina:
• Diosdado Javier Purihin, 50, may asawa, residente ng Ligtong 1, Ramie  Gumban Reyes, 38, may asawa residente ng Ligtong 1,
• Emmanuel Lasin Ferrer, 47, may asawa residente ng  Ligtong 1, 
• Albert Lobresa Gabilan 33, may asawa residente ng Ligtong 1, Rosario Cavite, nakumpiska  buhat sa F/B Michael II ang mga sumusunod, 3,cooler of squid, 1 cooler of assorted fish, 43 empty bañeras,  more or less 30 meters of fine mesh fishing net. 

► Samantalang ang mga naarestong lulan ng F/B  BOY EDGAR ay kinilalang sina 
• Rusber Arcena Santera Boat Captain, 32,may asawa, residente mg Ligtong 4,
• Edwin Dreo Del Monte 50, may asawa residente ng Ligtong 1, 
• Aladin Guzman Estorninos 21, may asawa,  residente ng Ligtong 1, 
• Jaybee Arcena Catandian 25, may asawa, residente ng Ligtong 1, 
• Richard Lapidario  Diamond 28, may asawa residente ng  Ligtong 1, Rosario Cavite. 
* nakumpiska buhat sa F/B BOY EDGAR ang mga sumusunod; 4 na cooler ng squid, 1 cooler ng assorted fish 13 pieces of empty cooler at humigit  kumulang sa 20 metro ng fine mesh fishing net. 

Sinampahan ng kasong paglabag sa Cavite City Ordinance 06-3149 (illegal fishing with the used of fine mesh  fishing net within territorial water of Cavite City), ang mga naarestong mangingisda na nasa kustodiya ng  himpilan ng pulisya.
10 MANGINGISDA TIKLO SA ILLEGAL FISHING

page 02 - By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 10 Blg. 09 September 9-15, 2012

No comments:

Post a Comment