BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

UNIPORME SA SPORTS, KAILANGAN BA TALAGA?


ISA sa mga sensetibong usapin sa sports ay ang pagkakaroon ng uniporme. Nakatatak kasi dito ang pangalan ng team, kulay na magiging pagkakailanlang, at desenyo ng logo para sa grupo o koponan na  ipagmamalaking kanila. 

Siyempre hindi basta  basta ang pagpili ng desenyo ng logo dahil hindi ito pwedeng basta basta na lamang  kopyahin sa ibang koponan, kung kaya naman dapat lamang na kakaiba ito at magsisimbolo ng grupo o  koponan ang paggamit ng logong ito. 

Idagdag pa ang pagpili ng kulay na magpapatingkad ng desenyo ng logo at sa kabuoang kulay ng uniporme. 

Kung tungkol naman sa pagkakakilanlan ng isang manlalaro naman, ay naglalagay ng pangalan at number sa  uniporme. Kung minsan kasi ang pangalan ay mahirap sabihin kumpara sa numero, kung kaya naman may opsyon ang mga ‘announcer’ ng palaro na bigkasin ang numero o ang mismong pangalan ng manlalaro.


Natatandaan mo ba ang numerong 7? Oo, ang  numberong ginamit ng kilalang si Robert Jaworski!  Simula   noon hanggang sa kaniyang pagreretiro ay dinala nito ang numerong 7 sa lahat ng kaniyang uniporme. Itong  kalagitnaan lamang ng Hulyo 2012, ay binigyan ng parangal ang  kilalang basketbolistang naging pulitiko ang  kanyang pagreretiro sa larong basketball. Gayunman, hindi ito syempre titigil sa paglalaro ng basketball sa mga pangpribadong laro o sa kanyang rotinang  gawain, sa madaling salita, hindi na ganun kadalas na natin  sya makikita sa mga mamalaking palaro.

Sa lahat ng palaro, ang kadalasan nating nakikita sa mga uniporme ng mga  manlalaro ay ang pagbabandila   ng kung sino ang pinaka sponsor ng koponan. Syempre, kung ikaw  ang pinanser ng kanilang grupo, dapat  lamang na ipagbabandila nila ang iyong pangalan para naman sa ganun ay makabawi ang kumpanya sa  larangan ng adverstisement, at maituturing na promosyon sa lahat ng makakakita. 

Maituturing ding pagpapakilala sa lahat ng tao kung saan ka galing na eskwelahan o lugar, na kung saan  nakatatak sa inyong uniporme ang pangalan ng inyong eskwelahan o sa isang espesipikong bayan na kung  saan nakatira ang koponan na makikilahok sa malawakang palaro.

Makakatulong ang uniporme sa koponan upang makilala ng mga tao kung sino, saan o kahit pa anong klaseng mga manlalaro  ang sumasali sa isang labanan. Nagpapatingkadnaman ang kulay na napili sa  uniporme, habang nagbibigay naman ng kabuoan ang logo ng koponan. Idagdag pa, ang paglalagay sa  tamang pananamit ang mga manlalaro sa mga  pampublikong palaruan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng  proteksyon sa oras ng laban habang maliksing makakilos ang manlalaro sa pinaka  kumportableng paraan. 

At sa bandang huli, ang palaro ay sinasangkapan ng tinatawag na media exposure, nanaisin mo bang makita  sa mga pahayagan na hindi angkop  ang iyong kasuotan?


Hanggang sa muli.
Iwagayway ang Tagumpay ng Imus

EMAN CAYABYAB│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012



No comments:

Post a Comment