BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

REMULLAs MADE MAYOR DIMERO’S DREAM COME TRUE


Indang, Cavite – “Sa Marso 2013 ay inaasahang lilipat na ang mga kawani ng pamahalaang bayan ng  Indang…magagamit na ninyo ang bagong municipal building na ating itatayo dito.” Ito ang naging buod na  pahayag ni Gov. Jonvic Remulla sa isinagawang “groundbreaking” para sa bagong itatayong municipal  building sa Barangay Tres, malapit sa Indang public Market. Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P70-million  at ito’y popondohan ng provincial government upang lalo pang paunlarin ang ekonomiya ng Indang.

Labis na ikinatuwa ng mga opisyales ng pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor Benny Dimero, VM  Pecto Fidel at miyembro ng Sangguniang Bayan at sabay sa masigabong palakpakan ay ang pagbubunyi ng  mga Indangeños, NGOs, mga kawani at kapulisan, mga kabataang mag-aaral at mamamayan na naging saksi  sa mahalagang okasyong ito nitong Hulyo 9, 2012.


Sa pahayag ni Mayor Benny ay nanariwa sa kanyang alaala ang isang pangarap ng kanyang kamusmusan.  “Bata pa ako noon habang nagtitinda ng kandila sa simbahan ay nasambit ko na darating ang araw na ako’y  makakatulong sa pag-unlad ng bayang ng Indang. Hanggang sa ako’y nakapag-aral at naging magtitinda ng karne sa palengke’y dala ko pa rin sa aking kaisipan ang pangarap na ‘yun…hanggang sa mapadpad ako sa  larangan ng politika, naging vice mayor at ngayo’y mayor na nga, at di ko sukat akalain na ang pangarap na  iyon ng aking kamusmusan ay unti-unting natutupad,” ika ni Mayor Benny.

Nagpapasalamat si Mayor Benny sa walang sawang suporta na ibinigay sa kanya ng mga Remulla, lalo na  kay Cong. Boying Remulla, Deputy Speaker for Luzon, at Gov. Jonvic  na ‘all out support’, ika nga, sa  anomang proyekto o programa na makakapagbigay kaginhawaan at pag-unlad sa mga mamamayan ng  Indang.

Sa pahayag naman ni Cong. Boying ay sinariwa rin niya ang unang pagdadaop-palad at pagtutulungan nila ni  Mayor Benny noong 2004 na noo’y tumatakbong vice mayor samantalang si Cong. Boying ay naghahangad  naman bilang kinatawan ng 3rd district sa Kongreso.

Nagkakatugma sa isang adhikain para sa kapakanan ng Indangeños at sa kanilang pag-uusap ay  napagkasunduan ang pagpapatayo ng bagong gusali ng munisipyo. Bukod dito’y ang mga nauna nang  naisakatuparan (sa loob ng 8 years) mga proyekto, katulad ng farm-to-market roads, by pass road/bridges,  covered courts, barangay halls, day care centers, schools, atbp.

Ika ni Cong Boying sa ambush interview, “…kasama sa pag-unlad ng isang pamayanan ang pagpapatayo ng  mga gusali, kagaya ng municipal building na aangkop sa development and changes upang lalong makamtan  ang mas mataas na antas ng kalakakalan at turismo. Ang Indang ay may magandang ecology and  environment para sa eco-tourism, gayundin  bilang learning center para sa maraming mag-aaral. Kaya’t mahalagang mailipat ang municipal building  para lumuwag naman ang bayan o plaza. “


Hinalimbawa rin Cong. Boying ang by-pass road at Bancod Bridge na nagbibigay ginhawa sa mga mag-aaral  ng Cavite State University at sa mga mamamayan. Nangako si Cong. Boying na lalo pa silang magpupursigi  ni Mayor Benny, at sa tulong din ng kanyang mga kapatid at kaalyado, upang lalong  mapalawak ang mga proyekto at programa na tutukoy sa pag-unlad sa kabuhayan ng mga Indangeños. At sa puntong ito’y ang  kanyang paghimok sa mga mamamayan ng Indang na sana’y tangkilikin ang kanyang “endorsement” para sa  nakababatang kapatid na dati na rin naging Congressman, si Gilbert Remulla. 

Sa obserbasyon naman ng isang barberong senior citizen na ayaw magpabanggit ng pangalan, sinabi: “For  the first time kong nasaksihan na ang magkakapatid na Remulla ay nagsama-sama upang ipakita ang suporta  at pagmamahal sa isang nanunungkulan at mamamayan nito. Di ko sukat akalain na dito sa bayan nating  Indang magaganap sa napakahalagang okasyong ito.” Ibig lamang sabihin na mahusay ang ugnayan at  samahan ng mga opisyales ng Indang sa mga Remulla, kung kaya’t di magiging mahirap para mapagbigyan  ang kahilingan ni Cong. Boying, Gov. Jonvic, Mayor Benny at VM Pekto sa hangaring maipasa naman kay  Gilbert ang mababakanteng puesto ni Cong. Boying sa 7th  district ng lalawigan, ayon naman sa senior citizen na taga-palengke.

Sa dagdag na pahayag ni Cong. Boying ay nailahad niya na ang bayan ng Indang, sa kasalukuyan, ay isa ng  “first class municipality” dahil na rin sa pagsisikap ng mga opisyales sa pangunguna nina Mayor Benny at VM  Pekto Fidel. “First class municipality ang Indang dahil sa first class din ang turing ko sa mga taga-Indang,”  ika pa rin ni Cong. Boying. 

Nailahad naman ni Gov, Jonvic na nalalapit na rin maging siyudad ang bayan ng Silang at Gen. Trias at  nakikita nito na sa 2017 ay di malayong magiging siyudad na rin ang Indang.  “This is one moment we have  to look forward and be positive about, siempre with God’s blessing,” pasubali naman ni Coun. Onad  Bernarte at Coun. Rey Zafra.


Sa bagong lungsod ng Imus WE ARE PREPARING  FOR THE TRANSITION –MALIKSI
photos and text by:DON FABROS │ Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012



No comments:

Post a Comment