BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

KAYANG-KAYA PO NATIN NA MAS PAUNLARIN ANG CAVITE –GOV. REMULLA


Matatag at matapat na paglilingkod, ipinagmalaki …
BACOOR CITY — Matapat na inamin ng nakaraang linggo  ni  Cavite Gov. Juanito Victor ‘JonVic’ C. Remulla Jr. na malaking kawalan sa pamahalaang panlalawigan ang pondong naipagkakaloob ng Bacoor at  Imus na kapwa naging lungsod  ng nakaraang buwan.
Madamdaming naisiwalat ito ng gobernador nang maging panauhing tagapagsalita sa pagpapalit ng pumunuan  ng Cavite Mayors League ng nakaraang Biyernes (Hulyo 6) kasabay ang lagdaan sa memorandum of agreement at pagsisimula ng proyektong pagtatayo ng gusali ng CML at ng Cavite ABC Federation Building  sa Reyville Subd.,Brgy. Habay 2, lungsod na ito Nagbitiw si Bacoor City Mayor Strike Revilla bilang pangulo ng CML at pinalitan siya ni Rosario Mayor  Jose ‘Nonong’  Ricafrente Jr.

“Malaking kawalan po sa annual revenue ng provincial government nang maging city ang Imus at ng Bacoor,”  sabi ng gobernador . “Bilang nagsasariling siyudad, hindi na nila kailangang mag-share sa kapitolyo sa  nakokolekta nilang revenue every year.” Batay sa kanilang charter,  sarili na ng Bacoor  ang may P100  milyon bahagi ng RPT (real property taxes o amilyar)  at iba pang buwis  na taunang ibinigay nito sa  pamahalaang panlalawigan; at  halos maliit lang ng kaunti sa halagang ito ang inire-remit ng Imus sa kapitolyo  sa bawat taon din.

Una rito, mahigit sa P100 milyon din bawat taon  ang nawala sa kapitolyo mula maideklarang lungsod ang Dasmarinas – ngayon ay siyang pinakamayamang siyudad sa Cavite .


Naging city ang Dasmarinas noong  2009. Ayon kay Remulla, isang malaking hamon sa kanyang  administrasyon kung paano makapagbibigay ng malawak at mabilis na serbisyo sa mga mamamayan ng  lalawigan. “Sa kabila nito, maipagmamalaki naming sabihin na kayang-kaya, makakaya at kakayanin  ng  inyong lingkod na maibigay ang pinakamabuting serbisyo sa lahat ng Caviteno,”  sabi ni Remulla sa  pahayagang ito.

Aniya pa, malaki ang natitipid ngayon sa taunang gastusin ng lalawigan bunga ng mga repormang nailatag niya  sa burukrasya at “wala nang nawawalang pera bunga ng corruption.” Sa mga unang buwan niya sa  Kapitolyo, inilunsad ni Remulla ang patakarang maging lantad sa lahat ng transaksiyon kaugnay ng mga  kontrata, mga serbisyo at imprastruktura ng kanyang administrasyon. Aniya, kitang-kita ang mga tagumpay  laban sa kanyang anti-corruption campaign sa mga public bidding at pagbili ng mga sasakyan at maraming  gamit at pasilidad na idinadaan sa lantad at hayag na kasunduan na alam ng publiko.

Nagawa niya,  pagmamalaki ni Remulla na mabawasan nang malaki ang halaga ng mga ipinamamahaging  sasakyan para magamit ng mga bayan at barangay.

Dati ay sa mas mataas na presyo ang pagkabili ng mga multi-cab at mga gamit sa komunikasyon,  ay sa mas  mababang halaga na lamang nabibili.

Ayon kay Remulla, bunga ng malaking katipiran at maayos na pangangalaga at paggasta sa pondo, nakakaya  nila na makapagbigay ng maayos at mabilis na serbisyo.

“Good governance po,  maayos na serbisyo ang nadarama ngayon ng ating mga kababayan, at katunayan po, this year, Top No. 3 ang rating natin sa 4.90 percent,” sabi ni Remulla. 

Inaasahan ni Remulla na dahil sa hayag at lantad at malinis na pamamalakad sa kapitolyo, ang Cavite ay posibleng mapiling Top No. 1 sa larangang ng mabuting  pamamahala.

Sa pagtatapos, pinagkalooban ang gobernador ng sertipiko ng pagkilala at pasasalamat mula sa pamunuan ng Cavite Mayors League.
KAYANG-KAYA PO NATIN NA MAS PAUNLARIN ANG  CAVITE  –GOV.  REMULLA
TESS LEONILLO  at ELI TAPARAN II │Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012


No comments:

Post a Comment