BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Ground Breaking Ceremony ng bagong ABC Hall, Cavite Mayors League Office, Vice Mayors League Office, Councilors League Office at SK Federation Office


Isang masayang hapon sa mga alkaldeng nagtipon-tipon para sa pag simula ng isang gusali na magsilbing tahanan para sa kanilang buwanang pagpupulong. Sa okasyon ding yon, ipinahayag ni Bacoor City Mayor  Strike Revilla na si Rosario Mayor Nonong Ricafrente ang siyang halili sa kanya bilang bagong presidente ng  Cavite Mayors League. Si Mayor Ricafrente ang siyang Vice President ng Liga. Masaya at tawanan ang mga  alkalde na nag lalarawan ng kanilang pagkakaisa at maituturing na isang pamilya sa buong lalawigan ng  Cavite. 

Dumalo din ang Ama ng lalawigan na si Governor Jonvic Remulla at BM Jolo Revilla. Ang bagong gusali ay malapit sa tinatayong Bacoor City District Hospital.
Guests and Speakers:
• Si Board Member Jolo Revilla na masayang nagpahayag na ang lupang tatayuan ng gusali ay ibinigay ni  dating senador Ramon Revilla Sr. Masaya ring sinabi ni BM Revilla na ang samahang Revilla at Remulla ay lalong tumatatag.

• Si Bacoor City Mayor Strike Revilla ang nagsimula ng masayang paksa sa kayang mensahe na  sinundan na rin ng ibang alkalde. Ang paggawa ng gusali at pagkaroon ng opisina ng Cavite Mayors League  ay maituturing na Legacy ni Mayor Strike Revilla. Pinagsumikapan niya at sa pamamagitan ni dating senador Ramon Revilla Sr., na mabigyan ng tahanan ang mga alkalde. Isang tahanan kung saan sila ay nagtitipon- tipon bilang isang pamilya na may pagkakaisa para sa ika-uunlad ng lalawigan ng Cavite. Nanatili pa rin ang  kanyang suporta sa liga at sa bago nitong presidente na si Rosario Mayor Nonong Ricafrente.

• Si Governor Jonvic Remulla nagbigay ng kanyang mensahe. Ayon sa Gobernador, Anti-Corruption ang  pamantayan sa kapitolyo. Dahil dito, laking menos sa mga proyekto ang kapitolyo kung kayat marami ang  nabigyan ng kaukulang serbisyo.”Good governance is good politics”, dagdag pa ni Governor Remulla.Sa ngayon, nasa No. 3 ang Cavite sa Top Performing Province. Inaasahan ni Governor  Remulla na pagkatapos  ng October magiging No.1 na ang Cavite sa buong Pilipinas.

• Si Noveleta Mayor Enrico Alvarez sa kanyang mensahe na ang samahan nilang mga alkalde ay parang  isang pamilya at ang pagkaroon ng opisina ay parang nagkaroon sila ng sariling tahanan.

• Ang masayang pag tanggap ni Rosario Mayor Jose Ricafrente bilang bagong presidente ng Cavite  Mayors League.

• Si Gen. Trias Mayor Luis Ferrer IV sa kanyang masayang mensahe para sa kanyang kapwa alkalde na  sila lang ang nakakaalam.

• Si Ternate Mayor Lamberto Bambao.

• Si Amadeo Mayor Benjarde Villanueva.

• Si General Emilio Aguinaldo Mayor Bienvenido Belostrino.

• Si Maragondon Mayor Mon Anthony Andaman.

• Si Trece Martirez City Mayor Melandrez De Sagun.

 Si Cavite City Mayor Romeo Ramos.
~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~~•~
• Makikita sa larawan ang lugar na patatayuan ng isang multipurpose building na maging tahanan ng iba’t-ibang liga sa buong Cavite. Ito ay pinangunahan nina Governor Jonvic Remulla, Mayor Strike Revilla, Board  Member Jolo Revilla at mga alkalde sa buong Cavite. Kasama din ang mga ABC President.

• Makikita naman si Noveleta ABC Pres. Gloria Fernandez ang kinatawan ng ABC na magkaroon din ng  opisina sa ipapatayong gusali.Kasama ni ABC Pres. Fernandez si Magallanes Mayor Edwin Sisante.

No comments:

Post a Comment