BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo”


ILAN lamang ito sa ating mga kasabihan na aking inihahambing sa hari ng komedya na Rodolfo Vera Quizon  o mas kilala sa pangalang “Dolphy”. Ngayong wala na siya meron nang binigay na parangal o titulo ang  grupo na siyang nagtatanghal na maging isang national artist ang isang tao. Wala na, huli na hindi na ma-appreciate ni Dolphy yan, sabi nga niya noon, Di baleng hindi siyang tinanghal na National Artist...National  Arthritis na lang daw. 

Nagpapatawa pa rin siya imbes na malungkot. Sabi nga, malalaman daw kung marami ang nagmamahal sa  isang tao kapag marami ang nakikiramay kong mamatay ito. Dahil ito daw ang okasyon na walang  imbitasyon kundi kusang loob ang pagpunta sa pakikiramay. Dagsa ang maraming tao sa lamay ni Dolphy. 

Galing pa sa malalayong probinsiya para lamang makiramay. Sa kanyang pagpanaw lumabas din na marami  siyang natulungang tao. Maging ang kanyang naging naka-trabaho ay hindi makakalimutan ang mga  halimbawa na kanyang pinapakita sa kanilang lahat. Ilan dito ang pagiging maalwan niya sa kanyang mga  kasama, ang dumating sa takdang oras at ang pagiging humble niya. 

Para sa akin, karapat-dapat lamang na maitala ang pangalan ni Dolphy bilang isang National Artist dahil sa  kanyang naiambag sa industriya. Maganda sana nong buhay pa siya at na-appreciate niya ang nasabing  parangal. I’m sure naman marami  ang National Artists at hindi na masama na isa siya diyan. Parang National  Heroes marami sila. Yon nga lang, Kung magiging National Artist siya pagdating ng araw, siguro para sa  karangalan ng pamilya na lang. Pero maganda pa rin sana, na nadama ni Dolphy ang kanyang pagiging  National Artist kung sakali man bilang “premyo” sa kanyang sarili sa mga naging karanasan niya sa sining na  kanyang ginagalawan.

Buti na nga lang noong November 08, 2010 iginawad ni President Benigno Simeon Aquino III ang Grand  Collar of the Order of the Golden Heart kay Dolphy na ginanap sa Rizal Ceremonial Hall. 
REKTAHAN
MARITES LEONILLO│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment