BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SOLUSYON SA PAGBAHA KAILAN MATUTUGUNAN?


EDITORYAL:

GANAP nang naging bagyo ang  namataang sama ng panahon na patuloy na minamanmanan ng Philippine  Athmospheric, Geophysical and Astronomical Services (PAGASA). 

Alas-4:30 ng hapon kahapon ng maging bagyo ang nasabing sama ng panahon na tinaguriang "Dindo” na  namataan 670 km sa East Northeast ng Virac, Catanduanes. Sinasabing nagtataglay ng lakas ng hanging 55  km bawat oras at gumagalaw sa lakas na 19 km per hour.

Sinasabing partikular  na maapektuhan ng nasabing bagyo ang Northern Luzon at Eastern Luzon sa bansa,  kung saan siya patuloy na tumatahak. 

Ayon sa pahayag ng PAGASA kung tatama ang bagyo sa kalupaan ay magdudulot ng malakas na pag-ulan  sa apektadong mga lugar. 

Mabuti na lamang at hindi ito tatama sa kalupaan kung hindi ay kawawa na naman ang mga pananim na  hahagupitin ng malakas na hangin, pagkalugi na naman ng mga magbubukid sa pagkasalanta ng mga gulay at  palay na pananim.

Tiyak na nangangamba rin  ang mga nasa malapit sa mga  lugar na nasa paanan ng bundok sa posibleng pag  guho sa pag agos ng mga rumaragasang tubig galing sa itaas ng bundok. 

Sa mga nasa tabi ng dagat, sa mga mangingisda na hindi makakapalaot dahil sa lakas ng alon. Sa mga  naninirahan sa mga mababang lugar na hindi na maibsan ibsan ang baha sa kanilang mga lugar, Sa Navotas at  Malabon na nasa paligid ng mga ilog at palaisdaan na ang kanilang mga mamamayan na sa oras ng pagbaha  na dulot ng bagyo ay wala ng masulingan.


Laging babad sa tubig sakit na alipunga hindi na maalis alis. Maraming bagyo pa ang dadalaw sa ating bansa,  mabuti kung palaging hindi tatama sa kalupaan hindi masyadong perhuwisyo kanyang ibibigay. Harinawa  sanang pirmihang solusyon sa pagbaha ay matugunan ng hindi na maulit sakuna at perhuwisyong iginanti ng  kalikasan. 
EDITORYAL
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue



No comments:

Post a Comment