BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Sa bagong lungsod ng Imus WE ARE PREPARING FOR THE TRANSITION –MALIKSI


HINDI kisap-mata, maaring madama na agad ng mamamayang Imuseno ang magandang pakinabang sa pagiging bagong lungsod ng Imus.

Nilinaw ito ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi sa isang panayam sa kanyang opisina ng nakaraang linggo  nang kapanayamin ng mga mamamahayag mula sa Maynila.

“We are preparing for the transition,” sabi ng alkalde,” by convening the department heads to lay down the  plans.”

Naging ikaanim na siyudad ng  Cavite ang Imus nang pormal na ideklara ni Ms. Jasmin Gilera, Imus Comelec  officer na 20,438na rehistradong botante ng bayan ang bumoto ng Yes! para sa cityhood; at 2,304 naman  ang tumutol sa ginanap na plebesito noong nakaraang Hunyo 30. Habang nasa transisyon,  niliwanag ni  Maliksi na patuloy ang serbisyong ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng siyudad.

“Halimbawa po sa subsidy natin sa mga senior citizens natin… kung dati po ay dalawang beses lang sa isang  taon sila tumatanggap ng tulong, planong aprubahan ng city council sa pamamagitan ni Vice Mayor (Mandy)  Ilano na maging apat na ulit silang makatanggap ng  subsidy.”

Ngayong taon, hinanapan ng alkalde at ng City Council kung saan kukuha ng pondo para sa iskolarsip ng  mga mag-aaral ng Imus dahil walang nailaang malaking badyet para ang pinalitang administrasyon ni dating Mayor Homer ‘Saki’ Saquilayan. 

“Pero ngayong taon, magkakaroon ng increase tayo sa local school fund, at maglalaan po tayo ng pondo para makapagpatayo ng additional classrooms at mga gusali, pati ang planong district hospital para may  mapupuntahan ang mga kababayan nating maysakit,” patuloy na paliwanag ni Mayor Maliksi Ito, aniya, ay  mangyayari dahil sa pagiging lungsod ng Imus, masosolo na nito ang annual income na dati ay umaabot sa  kulang sandaang milyong piso ang ibinabahagi sa pamahalaang panlalawigan. “Malaki po ang itataas ng  Annual revenue ng Imus, kaya magagawa na nating mapondohan ang health, social services  at iba pang  programa sa iba-ibang sektor ng ating bagong siyudad,” paliwanag ni Maliksi sa mga mamamahayag.

Pinawi ng alkalde ang pangamba na magkakaroon ng bagong taas ng buwis sa pagiging lungsod ng Imus.  

“Malinaw po sa charter natin, may five year moratorium sa tax increase, at ito po ay nasasaad sa Republic  Act 10161,” paliwanag ni Maliksi.

Sa pagtantiya, maaaring umabot sa kulang o higit sa P800 milyon ang maging taunang kita ng bagong  lungsod, mula sa tinatayang kita nito na P535 milyon. 

“Mag-antay po tayong lahat sa mga pagbabago ng ating siyudad at ito ay mangyayari kung ang lahat po ay  makikiisa sa ating programa at agenda sa mga darating na taon,” tiwalang sabi ng alkalde. 

Kasunod nito, pinasamalamatan niya ang lahat ng kapwa niya lingkod bayan ng Imus,  at higit sa lahat ng mga  mamamayang sumuporta sa nakaraang plebesito.

“Ating iwagayway ang bagong tagumpay ng ating lungsod, at sa aming mga kritiko, ang aming pagtitiwala na  sila man ay tutulong upang mapabilis ang pag-asenso at paglago ng kabuhayan ng ating minamahal na siyudad.”
• MAGKATUWANG na pinuputol nina Cong. Ayong Maliksi (dulong kaliwa) at dating Bokal Alex 'AA' Advincula at Brgy. Capt. Nonoy Fontanilla sa pasinaya ng modernong barangay hall ng Bayang Luma.


Sa bagong lungsod ng Imus WE ARE PREPARING  FOR THE TRANSITION –MALIKSI
DOY NAVA at ELI TAPARAN II│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012

No comments:

Post a Comment