BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

REST IN PEACE RODOLFO "DOLPHY" VERA QUIZON....


MARAMING mga Comedian o komedyante  sa mundo ng pinilakang tabing. Ibat iba ang estilo ng  pagpapatawa upang mapaligaya ang mga manonood. Subalit sa kabila ng karamihan, ilang dekada ng  masasabing walang makahihigit sa katangian kahusayan sa pag ganap ng nag iisang Comedy King na si  Dolphy.

Sa loob ng limang taon nakipaglaban sa sakit na chro-nic obstructive pulmonary disease (COPD) ang Hari  ng Ko-medya ng pelikulang Pilipino. 

Ang COPD ay isang uri ng sakit na nakakaapek-to sa baga at nakakahadlang sa maayos na pag-hinga ng  isang pasyente.

Nalagutan ng hininga sa Makati Medical Center si Rodolfo Vera Quizon sa tunay na buhay sa edad na 83,  na ipinanganak noong Hulyo 25 1928 sa Tondo Manila. Severe Pneumonia, Chronic Obstructive Pulmonary  Disease, and Acute Renal Failure ang kanyang ikinamatay.

Hulyo 10 dakong alas 8:34 ng gabi ng  tuluyang  nang mamaalam ang hari ng komedya. Inasahan na rin ng  pamilya ang mangyayari sa isa sa itinuturing na haligi ng industriya ng pelikula sa bansa makaraang ma confine  ito sa Makati Medical Center at matuklasan ang paghina ng kanyang mga vital organs pati na ang hirap nito  sa pag ihi..

Noon pa man bata ang Hari ng Komedya ay may asthma na ito, at inamin din nito na ang kanyang sakit ay  sanhi ng kanyang paninigarilyo noong kanyang kabataan Merong 18 na anak ang hari ng komedyante. subalit  wala itong pinakasalan sa kanyang mga nakasama sa buhay at si Zsa Zsa Padilla ang huling naging bahagi ng  kanyang buhay.

Sa pagpanaw ni Dolphy o Tito Dolphy, o Pidol na itinatawag sa kanya ay ang pagluluksa ng maraming  Pilipino bilang isang haliging institusyon kanyang ginagalawan nagsilbing inspirasyon ng  maraming  komedyante nais sundan ang kanyang yapak dahil sa angking kagalingan. 

Sa puso at sa diwa ng mga Pilipino hindi mamamatay ang iyong iniwang mga alaala. 

No comments:

Post a Comment