BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

REAKSYON SA ISYU NG CARJECA ASSN., INC. AT SMM JODAI SA GMA, CAVITE


ILANG beses na nating tinalakay sa kolum na ito ang problema na nangyayari sa  transport association na bumibiyahe sa rotang Brgy. F. De Castro, Gen. Mariano Alvarez, Cavite papuntang Star Mall sa Alabang, Muntinlupa City. May natanggap  tayong mga  komento  at reaksyon mula sa ating mga giliw na  tagasubaybay, ang ilan ay pumapabor sa inilathala ng inyong lingkod at ang iba naman ay may negatibong  komento. Hindi na bago sa inyong lingkod ang ganitong reaksyon.


Mula sa CP No. 09398732… good pm po! mr. jun maligalig isa po ako sa concern citizen na taga GMA  CAVITE tungkol po dun sa sinulat nyo na problema ng dalawang asosasyon na CARJECA at SMM! Pwede  po  bang magkomento.  Sa pagkakaalam ko po kasi ay puro kabaliktaran ang iyong mga sinulat sa  dyaryo. Katulad na lang po nung sinulat nyo tungkol sa paghihirap ng mga tao at hirap ng byahe! 

Kaya nga po pinipilit ni mayora na pabalikin ang mga ng aklas na membro ng SMM para bumalik na sa  kanila at para hindi na mahirapan sa paghahanap buhay, ang tinutukoy ko po ay ang mga  CARJECA, tungkol naman po dun sa pagka elect kay HON.  JULITO ADANTE bilang presidente ng SMM ay napaka  daling tanong lang po dahil bago pa sya  maging  KAGAWAD ay isa po sya sa myembro ng asosasyon at  matagal na po yang reklamo na yan na hearing na po yan at na dismiss na!


Personal kong nakadaupang-palad ang mga operators at jeepney drivers ng CARJECA  ASSN., INC.  Halos apat na buwan ng paralisado ang kanilang pagbiyahe at karamihan sa kanila ay nakararanas na maputulan ng tubig at kuryente. 


Ang iba sa kanila ay umiikot ang puwit sa paghahanap ng ipababaon sa kanilang mga anak na pumapasok sa eskuwelahan. Sa katunayan ang kanilang hinaing ay ipinaabot na noon pa kay Mayor Virata sa pamamagitan  ng liham na may petsang Mayo 14, 2012. Ilang beses na rin nilang ipinarating kay Mayora Ona sa pamamagitan ng sulat ang kanilang mga sentimyento kaya lamang ay hindi ito nabigyang-pansin kaya noong  muli silang lumiham dated May 4, 2012 ay ipinaabot na nila ang nilalaman ng Republic Act 6713 ( An act  establishing a code of conduct and ethical standards for public officials and employees, to uphold the time  honored principle of public office being a public trust, granting incentive and reward for exemplary service,  enumerating prohibited acts and transactions and providing penalties for violations thereof and for other  purposes. Cited under Section 5 of this R.A. 6713, it is duties of public officials and employees are under obligations to: (a) Act promptly on letter and request – all public officials and employees shall, within fifteen  (15) working days from receipt thereof, respond to letter, telegrams or other means of communications sent  by the public, the reply must contain the action taken on the request).


Maaaring  hindi nararamdaman ng texter na ito ang problema na dinaranas ngayon ng mga jeepney drivers  dahil maayos ang kanyang estado sa buhay o maaaring isa siya sa panig ng nasasagasaan ng kolum na ito  kaya nanggigigil siya sa ating inilathala. 


‘Yung isyu na pagkandidato ni Kgwd. Julito Adante bilang presidente ng SMM JODAI, wala akong  pakialam  kung matagal na siyang miyembro ng asosasyon. Ang kuwestiyunable, hindi siya dapat tumakbo at  kumuha ng posisyon bilang presidente sa isang asosasyon dahil isa na siyang public official.  


Huli na ng malaman ng mga kasamahan niya na bawal pala na kumandidato sa isang asosasyon ang isang  public official. Kaya nga nagkaroon ng usapin sa Sangguniang Bayan at natapos na ito ngunit ang resulta ay  "No Merit”… Tama ba ang naging desisyon na ito Vice Mayor Percy Cabuhat? Sa binanggit ng texter na ito  patungkol sa isyu ng kahirapan ng buhay at pagbiyahe, kaya nga daw pinipilit ni Mayor Virata na pabalikin  ang mga aklas na miyembro ng SMM JODAI para hindi na mahirapan sa paghahanapbuhay, mukhang taliwas ito sa tunay na nangyayari dahil mismong ang Mayor’s Office ay nagpadala ng liham o kautusan noong Marso 13, 2012 at naka addressed ito sa SMM JODAI President thru Traffic Management Office  (TMOGMA) and Philippine National Police (PNPGMA) na nakasaad dito ang order… not to allow all the  illegal Operators and Drivers Association existing this Municipality especially the CARJECA GROUP headed by Mr. Rogelio Espiritu. They will not be allowed to operate until they will submit themselves and  follow the requirements and existing rules to operate Komplikado  dahil kumpleto ng dokumento ang  CARJECA at hindi lamang makakuha ng “sticker” dahil ayaw bigyan ng barangay clearance ni Kapt. Gunio.   

Nagpalabas ng order si Mayora Ona batay na rin  sa kahilingan ng SMM JODAI President na si Eduardo  De Guzman na huwag ng pasalangin sa kanilang pilahan ang lahat ng CARJECA units hanggang hindi sila bumabalik sa SMM JODAI. 


Umpisa pa lamang para buuin ang SMM JODAI ay may nakikita na tayong problema, lahat ng kasunduan  nila ay masasabing hindi balido dahil revoked ang SEC Registration ng MODA o Monteverde Operators  and Drivers Assn., Inc. noong pinaplano pa lamang nila hanggang mapagkasunduan ang merging between  MODA and CARJECA.


Walang formal merging na nangyari dahil walang maipakitang Memorandum of Agreement (MOA) ang  dalawang transport association, minutes of the joint assembly meeting lamang patungkol sa pagsasanib ng  dalawang transport association ang pinagbasehan ng pamahalaang lokal. 


Nang mabuo ang SMM JODAI, public official ang nahalal na presidente. Ang ginawang terminal ay gilid ng  barangay road. Nagkaroon ng internal problem ang miyembro at opisyales ng SMM JODAI tungkol  diumano sa pinansiyal na aspeto at sistema ng pagpapasiya na hindi katanggap-tanggap sa grupo ng  CARJECA.

Dito na nagpasya ang CARJECA na humiwalay sa binuong SMM JODAI. May hawak ang inyong lingkod na  dokumento na nakapaloob sa isang ordinansa na  kinikilala pa ang CARJECA  bilang miyembro ng  United Transport Federation GMA, Inc. Konsehala pa lamang ng GMA si Mayora Ona noon at ang alkalde  ay si Mayor Walter Echevarria.


Kung hindi pa naaamyendahan ang ordinansang ito matapos mabuo ang SMM JODAI, may karapatan  talagang maghabol ang CARJECA na kilalaning muli ang kanilang asosasyon  at bumalik na lamang sa dati  nilang pilahan. 

Mula sa CP No. 0932453…. Gandang tanghali sir jun kumusta po kayo ako po ang dating  kapitan d2 sa  brgy f de castro. Sir jun ako lahat ang nakaka alam lahat  tungkol sa merging na iyan walang mga nagawa  ang mga naka upo ngayon, salamat.. Kahit isang ordinaryong mamamayan na lamang ang texter na ito, malaki ang maiaambag niya kung  tutulong para mareresolba ang problema sa kanilang barangay. 
oOo
Kung may reaksyon,
reklamo  o
suhestiyon…text lamang
po kayo sa 0906-5582848.
Puwede rin kayong magpadala ng mensahe sa email address ng inyong
lingkod  sa
junmaligalig@yahoo.com.ph.
Trabaho po lamang at walang personalan.
LIGALIGIN NATIN
By: JUN MALIGALIG │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  










No comments:

Post a Comment