BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PROBLEMA NG MGA OPERATORS AT JEEPNEY DRIVERS SA GMA, CAVITE DAPAT NG AKSYUNAN

KAMAKAILAN, nakapanayam ng inyong lingkod   ang sekretarya ng Mayor’s office sa Gen. Mariano  Alvarez, Cavite na si Ms. May Sotolombo patungkol sa problema ng mga jeepney drivers at operators na  rumoruta mula Brgy. F. De Castro, GMA, Cavite patungong Starmall, Alabang, Muntinlupa City. Wala sa  kanyang tanggapan ang taong pakay ng inyong lingkod na si Mayora Ona Virata dahil mayroon daw  mahalagang miting. Habang nasa kalagitnaan ng  pakikipagkuwentuhan kay Ma’am May ay bigla namang  dumating ang OIC ng Traffic Management Office na si Mr. Reynante Biado. Sa naunang paglalathala ng  isyung ito sa mga pahayagan lokal at nasyunal na ating pinagsusulatan ay binigyan natin ng pansin ang  padalang liham mula sa e-mail address  ng  inyong lingkod ng grupo ng CARJECA  ASSN., INC. na dating  F. De Castro, F. Reyes, De Jesus, Carmona, Alabang Jeepney Operators/ Drivers Assn., Inc. na naamyendahan noong Oktubre 13, 2002. Dalawa ang dating terminal o pilahan ng dyip na pinakikinabangan ng mga taga F. De Castro partikular nang mga residente sa Sunshine, Monteverde at Mandarin Homes.

Ang dalawang transport groups na ito ay ang Monteverde Operators  & Drivers Association, Inc. (MODA, INC.) na ang terminal ay sa Monteverde Homes at ang isa ay sa CARJECA  ASSN., INC. na ang pilahan  ay sa Phase 2 ng Sunshine Homes. Noon ay wala namang problema ang dalawang transport groups na ito sa  kanilang pagbiyahe kahit dalawa ang kanilang pilahan sa iisang barangay. Base sa mga dokumento na hawak  ng inyong lingkod, pareho silang rehistrado sa Securities and Exchange Commission (SEC). 

Ang problema nga lang, updated ang CARJECA  ASSN., INC sa pagsusumite ng kanilang yearly financial  statement at general information sheet samantalang  ang  MODA, INC. ay na-revoked for non-filing of reportorial requirements  with the SEC. Nagkasundo ang dalawang  transport groups na ito na magkaisa at  magsama na lamang sa isang pilahan. Ang proposal ni CARJECA Pres. Rogelio Q. Espiritu para kay MODA Pres. Jose Keng noong Oktubre 16, 2009 para sa proposed merging ng kanilang transport group ay naging positibo. 

Sa  mga dokumento na ibinigay sa inyong lingkod ni Ma’am May, napagkaisahan ng samahang CARJECA  at MODA na magkaroon ng isang pilahan sa Barangay F. De Castro at Starmall Alabang. 

Nakasaad sa dokumento ang mga batas at  alituntunin, benepisyo at operasyon na kanilang ipapatupad. Pirmado ito ng dalawang grupo na inaprubahan ng dating Brgy. Chairman ng F. De Castro na si Kapitan  Tomas R. Orolfo, Jr. Napagkasunduan na magkaroon ng snap election ang MODA at CARJECA noong  Oktubre 10, 2010. Dito nabuo ang bagong samahan na tinawag na Sunshine, Mandarin, Monteverde Jeepney Operators & Drivers Assn., Inc. (SMM JODAI). Natalo ang presidente ng CARJECA at ang  nanalo ay Kagawad ng Brgy. De Castro na si Julito Adante. Huli na ng malaman nila na bawal kumuha ng  posisyon sa isang asosasyon ang isang barangay o government official na ayon sa sekretarya ng GMA Mayor’s office ay siyang naging dahilan para bumaba si Kgwd. Adante sa puwesto at ipaubaya ang  pamumuno sa kanyang bise presidente na si Eduardo De Guzman. 

Iba naman ang pahayag ng grupo ng CARJECA, natapos daw ni Adante ang kanyang termino at nagkaroon ng panibagong eleksiyon noong Enero 2011. Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo? Napansin ng inyong  lingkod na sa dami ng mga dokumentong inaprubahan bago mangyari ang binabanggit nilang merging ay wala  ang formal/black & White  Memorandum  of Agreement (MOA) between MODA & CARJECA officers  bago mabuo ang SMM JODAI. Ito ang ibinubutas ngayon ng CARJECA para humiwalay na sila sa SMM  JODAI dahil hindi na nila diumano masikmura  ang nangyayari diumanong katiwalian sa kanilang samahan.  May nagsasabi naman na hindi matanggap ni Espiritu  ang  kanyang pagkatalo kaya gusto niyang bumalik sa  dati  nilang terminal at ituloy na lamang ang operasyon ng CARJECA ASSN., INC. May dokumento din na  hawak ang inyong lingkod na inaabisuhan ng SMM JODAI President ang mga miyembro at dispatcher ng  kanilang asosasyon na huwag ng papipilahin ang grupo ng CARJECA sa kanilang terminal ayon na rin sa  kapahintulutan ni Mayora Ona Virata. Eh, bakit hindi bigyan na lamang ng permit ang grupong ito ng CARJECA para maisyuhan ng sticker at makabiyahe ng maayos. Hinuhuli sila ng GMA-TMO na ang  violation ay M.O 422? Epektibo pa ba ang municipal order na ito? May pamilya na magugutom ang mga jeepney drivers na apektado. Kung ano man ang nasisilip nating dahilan sa problemang ito ng mga transport  groups sa GMA, Cavite, mababasa ninyo sa susunod na isyu.. abangan…


SALAMAT SA PAGTITIWALA
Salamat kay kasamang Regidor “Doy” Nava, publisher ng diyaryong Operation Expose at bagong upong Board of Director ng Camp Gen. Pantaleon Garcia Press Club, Inc. (CGPGPC, INC.) sa pagpapaunlak  na  makasama ang inyong lingkod sa kanyang pahayagan. Ang makapag-ambag ng mensahe sa pamamagitan ng  panulat bilang  kolumnista sa isang disenteng peryodiko ay malaking karangalan para sa inyong lingkod. 

Ganoon din kay Dir. Rey Morales, ang editor ng Operation Expose na mahaba na rin ang tahid at nalalakbay  sa industriya na aming ginagalawan. 

Ang kredebilidad ng isang tao o pahayagan ay hindi puwedeng gamitan ng salaping puhunan para makamit  ang magandang imahe at katanyagan. Dumating man ang daluyong o bagyo sa panahon ng labanan,  ang  tatak ng pagiging hari o alipin ay malabo ng burahin. Asahan ninyo mga kaibigan, kasangga ninyo ako sa  paghahayag sa mga magaganda at hindi kanais-nais  na pangyayari sa ating kapaligiran.

oOo
Kung may reaksyon,  reklamo  o
suhestiyon..text lamang po kayo sa
09065582848. Puwede rin kayong magpadala ng mensahe
sa e-mail address ng
inyong lingkod sa
junmaligalig@yahoo.com.ph.
Trabaho po lamang at
walang personalan.


LIGALIGIN NATIN
By:JUN MALIGALIG│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment