BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

‘PASS’ MUNA SA 2013 ELECTIONS –SEN. BONG

Lakas-CMD aatras muna, saka aabante sa 2016 …

TULAD sa isang heneral ng hukbo, nagpapakita ng talino ng isang bihasang politiko si  LakasChristian  Muslim Democrats president, Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla  kaya ipinasiya na “magpahinga” muna  at ‘wag  aktibong sumabak sa lokal na sa halalan ng Mayo 10, 2013. 

Ayon kay Revilla, mag-iipon ng enerhiya at puwersa ang  Lakas-CMD at sisikaping magparami ng mga  kaalyado para sa mas malaking labanan sa 2016 na dito, maghahalal ng bagong presidente ng bansa.

 “This is a matter of political survival,” sabi ni Revillla. Sa taktika ng senador, kung  sa sugal na Pusoy Dos,  “pass” muna  sa ikot ng baraha ang Lakas-CMD.

Umamin si Bong  na maraming kapartido ang “nagalit at nadismaya” sa kanya nang hatulang “Guilty” si Chief  Justice Renato Corona sa nakaraang impeachment trial ng Senado. 

“Not guilty” o “Acquittal” ang nais na naging hatol ng pamunuan ng  Lakas-CMD. Ikinatwiran ni Revilla na  sinunod niya ang utos ng konsiyensa  kaya “kinondena” niya si Corona, bukod , aniya pa, sa lumutang na  mga ebidensiya at pag-amin mismo ni Corona na siya may naipong  P80 milyon at $2.5 milyong deposito sa  mga bangko.

Ang depositong ito ay  hindi  idineklara ni Corona sa sariling statement of assets and liabilities (SALN)  kaya,  paliwanag pa ni Revilla,  nakumbinsi siya na “nagkasala” nga si Corona kaya dapat ngang sibakin bilang  punong mahistrado.

Sa “pag-atras” sa lokal na halalan sa 2013, sinabi ni Bong na kahit wala ng puwersa ang kanilang partido sa   pambansang pamahalaan, nananatiling malakas pa rin sila sa mga lalawigan, mga bayan at siyudad.


Aniya,  ang Lakas-CMD ay mayroong 12 gobernador, 28 representantes  at 120 alkalde. “Hindi basta  pwedeng balewalain ang bilang namin,” sabi ni Revilla. Kumbaga sa isang sundalong sugatan, kailangan  munang umatras at magpalakas ang Lakas-CMD para  muling sumabak sa labanan Humina ang Lakas- CMD nang madetine  si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Veterans Memorial Medical Center   dahil sa mga kasong pandaraya sa eleksiyon at mga kasong plunder sa Ombudsman. 

Pitong buwan nang nasa hospital arrest si Arroyo. “OK naman kami ng Pangulo (Arroyo), naiintindihan ko  siya kung magdamdam sa hatol ko sa impeachment trial,” sabi ng senador. Hindi  direktang sinagot ng  senador kung may binubuo siyang lokal na alyansa sa Cavite at sa iba pang lalawigan para mas mapalakas  ang Lakas-CMD sa darating na eleksiyon sa 2013. 

“Nasa proseso kami ng mga pag-uusap at wala pang resulta tungkol dito,” aniya na idinugtong na nagbago at  ang balak niya na itakbong senador ang maybahay niya, si Cavite 2nd  district Congresswoman Lani ‘Ate  Lani’  Mercado-Revilla.

Tama, sabi ni Revilla, ang komento na magiging “asiwa” kung sila ng maybahay ay kapwa maglilingkod nang  sabay sa Senado. Pabiro, sinabi ng senador na kilala sa showbiz bilang gigolo at “babaero” na kung magiging  senador si Mercado-Revilla, magkakaroon siya ng isang “masugid na tagabantay.”

Kamakailan,  umugong ang usapang nagbubuo ng isang lokal na koalisyong Liberal Party at Lakas-CMD  sina Revilla  at dating gobernador at 3rd Cavite District Congressman Ayong Maliksi,  chairman ng LP sa  Cavite.


“Tatakbo uling congresswoman si Lani, aasikasuhin muna niya ang Bacoor na isa nang ganap na siyudad sa  idinaos na plebesito noong Sabado (Hunyo 23),” paliwanag ni Revilla tungkol sa balitang hindi na tatakbong senador ang kanyang maybahay.

Kung ano ang plano ng senador kapag natapos ang termino niya sa 2016, ngumiti lang ito at sinabing: “Matagal pa ‘yun… itong 2013 muna ang ”kailangang paghandaan namin.”



‘PASS’ MUNA SA 2013 ELECTIONS –SEN. BONG

By: ELI TAPARAN II & NHOMAR ASUNCION│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment