BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PAGPAPAIGTING LABAN SA KOLORUM NA SASAKYAN


LTO, Kawit, Cavite –– Pinaiigting ngayon sa utos ng butihing PR Chief Nelly Magtatac ang paglaban sa  mga kolorum at sa pasaway na motorista na lumalabag sa batas trapiko, alinsabay po rito ang agarang  aksiyon na pinatupad ng kanyang Asst. Chief na si Mr. Bien Delgado upang masawata ang mga nasabing  pasaway na mga operator at driver sa kanilang nasasakupang lugar. Sa ngayon, mataas kung ikukumpara sa  ibang distrito ng LTO ang kanilang rating sa lahat ng bagay, nangunguna ang mga ito dahil ito’y kanilang  pinaghihirapan ng kanilang kasamahan na bigyan ng magandang antas ang nasabing ahensiya, keep up the  good works. ‘Yan ang gusto ni Pnoy mabuhay po kayo.


Hindi rin nagpapahuli ang mga tauhan ng NCR-LTO kung ang pag-uusapan ay ang hulihan lamang, dahil  kamakailan binisita at pinainspeksyon pa ng kanilang hepe for Operation na si Col. Langgurayan ang 2  kolorum na bus na kanilang na-impound sa LTO Pasay ito ay ang JAC Liner na bumabiyahe kahit walang prangkisa.

Aba, ‘wag po kayo ganyan, sumunod lang po tayo sa kautusan, at Sir E. Ruado, Sir R. Miravelez, Mabuhay  po kayo, ganyan ang squad ng NCR, aksiyon agad.
TIGRE NG LANSANGAN
By: GENER TOSCO │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  


No comments:

Post a Comment