BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

PAGBAHA DAHIL SA WALANG DISPILINANG MGA MAMAMAYAN...


WALANG tigil ang  pag-ulan na nagsimulang bumuhos  nitong  madaling  araw  ng Lunes,(Hulyo 2)  sinuspinde ang klase sa lahat ng public at private schools sa Metro Manila at karatig probinsiya, gayundin  ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.

Ang mga pag-ulan ay nagdulot ng matinding pagbaha at nagpalala rin ng daloy ng trapiko sa mga  pangunahing lansangan  partikular na sa Metro Manila.

Nagsagawa ang MMDA Declogging Team sa mga lugar na may pagbabaha upang tanggalin ang mga  basurang nakabara sa mga drainage at estero.

At doon ay natuklasan na sinadyang barahan  ng malalaking tipak ng bato ang isang imburnal sa kanto ng V.  Luna Avenue at Malakas Street sa Quezon City.at ang maramihang pagkawala ng mga manhole sa ibat ibang  mga lugar.

Umapaw din ang mga tulay sa Letre Malabon maging ang  underpass sa Quiapo. Sa isinagawang Declogging  operation ay nakita ang tambak na basurang plastic mga basurang hindi natutunaw na sanhi ng pagbabara ng  mga estero kanal iba pang pinagdadaluyan ng tubig. 

Mga basurang itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan,na sa paulit ulit na kampanya ng gobyerno  ga  anunsyo sa pahayagan radyo at telebisyon sa pagtatapon at pagbubukod ng mga basura ay hindi  pinakikinggan ng mga mamamayan partikular iyong mga naninirahan sa mga tabing ilog at tabi ng baybaying  dagat na iskwater  kung turingan. 

Patuloy man ang Declogging Operation upang maalis ang mga bara at  muling lumalim ang mga ilog at tubig  daluyan kung patuloy naman na walang pakialam ang marami sa pagtatapon ng basura lalo at higit doon sa  mga basurang tumagal man ang maraming taon ay hindi natutunaw.

Hindi maialis sa pamilihan ang mga plastic na lalagyan at mga kauri nito. kahit pa anong programa ang ilatag  ng gobyerno ay mawawalan ng silbi at katuturan.

Araw araw man itong linisin kung sige at sige ang pagtatapon ng mga basura ng mga walang disiplinang mga  mamamayan babalik at babalik ang mga basura at siyang kikitil sa maraming buhay.

EDITORYAL
│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   

No comments:

Post a Comment