Kawikaan 16:23 ang puso ng marunong na tao ay patnubay ng kanyang bibig, at ang kanyang mga labi ay nagpapaunlad ng karunungan.
Ang mga tao ay madalas magtago sa likod ng mga salita. Ang sinasabi ay nagtatago ng tunay na damdamin. Isang eksperto sa paksang komunikasyon na nagdaos ng mga “Workshop”| dito ay nagsabi na maraming tao ang takot na ang pagsasabi ng totong naiisip ay ikawawala ng mga kaibigan, o kaya ay magsasalita ng iba kay sa damdamin.
Ang ibang sanhi ay pagkamahiyain, kulang sa kumpiansa, takot mahalata ang kamangmangan, upang iwasan ang mga pintas, o upang di makasakit ng damdamin ng iba.
May ganito ring problema ang mga Cristiano. Ang pagsasabi ng katotohanan nang may pagmamahal ay mahirap ngunit sinabi ng Biblia ang paraan kung paanong pakikitunguhan ang ganitong problema. Itinuturo ng aklat ni Santiago na kailangan natin ang karunungan na galing sa Dios – Karunungan “Dalisay”, pagkatapos ay payapa, mapagpahinuhod, mapagmahal, napasasakop, puspos ng kahabagan at mabuting bunga, hindi nagtatangi at tapat (Santiago 3:17).
Punuin natin ang ating mga salita ng mga katangiang ito buhat sa salita ng Dios. Hindi na natin kailangang magtago sa likod ng pader ng mga salita.
Sa pagbibitiw mo ng maraming salita nakapagsasabi ng mga di tama; sa Dios ilagak paggamit ng dila nang ang salita mo maging pagpapala.
Ang karunungan ay pagsasabi ng iyong iniisip, at kung kailan mo pag-iisipang mabuti ang iyong sasabihin.
Pagpalain po tayo ng Dios.
MORAL RECOVERY PROGRAM
By: Rev. E. Alvarez│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue
By: Rev. E. Alvarez│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue
No comments:
Post a Comment