BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

NUTRITION MONTH – JULY, SA BAYAN NI JUAN CAVITENO


ANG buwan ng July ay tinuturing na “Nutrition Month”. 

Nilalayon nito ang ipamulat sa mga magulang na kailangang nating pakainin ang ating mga anak ng mga  masusustansyang pagkain, tulad ng prutas, gulay, sapat na karne (puti man o pula), at tamang balanse ng  dami nito sa araw araw na pagkain. 

Hindi naman kailangan na mahal ang halaga ng pagkain, ang mahalaga ay mayroon itong sustansya na  makakatulong sa pagpapalaki at pagpapasigla ng katawan. Sabi nga ng ating bayaning si Rizal, “kabataan  ang pag-asa ng bayan”. Sa murang edad pa lamang ay mahalaga na masubaybayan ng mga magulang ang  tamang pagpapakain sa mga bata, upang syempre lumaki silang tama at hindi maudlot ang kanilang paglaki.

Nakikiisa ang ating bansa sa pagsulong ng okasyong ito na matatawag na “nation building” na rin na  maituturing. Kung marami ang nagkakasakit, at marami ang hindi lumalaki ng maayos, syempre naman ay  hindi ganun kadali sa buong bansa na makapagpalaki ng inaasahang kabataan na syang papalit din naman sa  kasalukuyang henerasyon.

Sa aking palagay, tunay na dapat pa lamang ngayon ay magtanim na tayo ng tamang pamamaraan ng pagpapalaki sa mga kabataan upang hindi sila maging pasanin ng lipunan kalusugan gamit ang mga sangkap  na talaga namang madali at sa murang halaga lang natin makukuha at mabibili sa ating kapaligiran. Nawa ay  tumulong ang pag-alalang ito sa lahat ng tao, at malay mo, dito rin mismo sa ating bayan magmula ang isa sa mga bukod tanging tao na mamumuno ng ating bayan at sya ring tutulong upang iahon sa hirap ang mas  nakakarami.

Happy Nutrition Month sa Lahat!
Hanggang sa muli!
SPORTS DIMENSION
By: EMAN CAYABYAB │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   

1 comment:

  1. Sports betting system makes +$3,624 PROFIT last week!

    Z-Code System winning picks and forecasts for MLB, NHL, NBA & NFL!!!

    ReplyDelete