BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

NANG DAHIL SA KULAY, PARKLANE SUBD. NAPOLITIKA, MGA RESIDENTE NAGTATANONG?


GENERAL TRIAS CAVITE – Naging mainit ang kulay ng politika sa PARKLANE SUBDIVISION  BRGY. SAN FRANCISCO, GENERAL TRIAS. Malayo pa man ang 2013 Local Election . Ayon sa mga residente sa nasabing lugar ang dahilan anila ay tungkol sa INTERNATIONAL COLOR SIGN na ginamit  nila sa pagpapaganda ng kanilang subdivision.

DILAW at ITIM na kulay na ginagamit sa mga PEDESTRIAN LANE, mga gater ng kalsada, eskinita, mga lugar na may Iintersection mapa publiko man o pribadong lugar kung lansangan at kalsada ang pag- uusapan. 

Ito daw anila ang naging dahilan upang sumawsaw ang mga politiko sa usapin at programa ng H.O.A. sa  Parklane . Dahil sa kulay na kanilang ginamit na may simbulo ng kulay Partido Politika. Ito rin daw ang  naging dahilan kung bakit nauwi sa matinding pamumulitika ng partido politika sa nasabing lugar, bagay anila  na pinagmumulan ng Hidwaan at Pag- aaway dahil di umano sa kulay Dilaw na ginamit ng HOA sa kalsada.

Ayon sa mga pahayag ng pamunuan ng  HOME OWNERS ASSOSIATION PARKLANE  CORPORATION INC. (HAPCI) sa pangunguna ni President MAE BALAOING una aniya ,nangutang ang  pamunuan ng halagang 182 thousand pesos. Upang pagandahin ang kanilang Subdivision sa pamamagitan ng  pagpintura  bilang bahagi ng kanilang programa. Pangalawa, nagdaos pa sila aniya ng WALK FOR PEACE  AT WALK FOR UNITY na nakiisa naman ang may 100 Homes Owners Member sa hangaring maipatupad  ang makataong pakikitungo sa bawat HOA MEMBER, maka- Dios, Maka- Bayan, at Maka- Kalikasan.

Ngunit aniya ang layunin at hangaring ito ng pagkakaisa at kapayapaan ay pilit na sinisira ng ilang katao na  napagagamit sa kanilang  iniidulong politiko.Upang manggulo at hadlangan ang kapayapaan at kaayusan sa  kanilang lugar. Dagdag pa na pahayag ni Pres. Mae Balaoing nitong May 18-19 at June 15 aniya ay may 50 katao ang nag protesta at nag rally na gamit pa aniya ang Service Patrol ng Brgy. San Francisco, at mga  tauhan ng Brgy. Upang tutulan aniya ang kulay Dilaw na kanilang ipinintura sa mga gater ng kalsada.

Kasabay nito anila pilit na binubura ng mga nagpoprotesta ang kulay Dilaw sa pamamagitan ng pagpintura ng  Green na nais nilang kulay. At di umano! 

Bayad ang 200 pesos bawat isa sa mga nagprotesta guluhin lamang ng mga  baluktot na isipan ng mga taong  ito. Ang programa at kulay na nais ng HOA para sa kanila. Palagay din nila ito’y mga taong tuta ng mga  politikong baluktot din ang mga isipan ng dahil lamang sa kulay kaya’t ang mga residente sa Parklane  Subdivision ay nagtatanong?

Sa mga namumulitika. Anong kulay ba ang totoo? Dilaw na nagmimithi ng kapayapaan at kaayusan? O kulay  Green na ang hangad ay sirain ang mabuting pangarap ng mga residente sa Parklane. 

NANG DAHIL SA KULAY, PARKLANE SUBD. NAPOLITIKA, MGA RESIDENTE NAGTATANONG?
By: REV. PRUNING ALVAREZ│Operation Exposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:

Post a Comment