BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

► MS.AMALIA FUENTES AT ANAK NAGULPI (KASANGGA Vol. 09 Blg. 52)


Mga minamahal kong mga kababayan tag–ulan na ingatan ninyo ang inyong mga katawan mahirap  magkasakit lalo na ang mga bata na napasok sa eskwela. Delikado ang baha at maraming nakukuhang sakit ito. Mahal po ang gamot sa botika sa panahong ito ay BAWAL MAGKASAKIT


ROGER BUGTONG,
Hoy, tarantado ka bugtong -bugtong na reklamo sa iyo, marami kanang niloloko kunwari ay kontrata pag  nakuha mo na ang  downpayment sa kontrata ay  sisibat ka na.  Php 30,000 down sa iyo sa kontrata mo sa  Grand Centennial Homes,Kawit, Cavite sa pamilyang Calibuso, di ka na sumipot pati sa Fiscal sa Imus, Cavite hearing di mo din sinipot hehehe binuburo mo warrant of arrest mo gago ka sana mahuli ka na at  mag- himas ka ng rehas. Mga kaibigan wag kayong magpabola sa taong ito na madaming address,  contractor kuno, peke....


Ms.Amalia Fuentes at anak nagulpi,
Tanggal ang tapang ng artistrang si Amalia Fuentes ng magulpi kahapon sa kanyang paupahan pati ang  kanyang anak na lalaki na ngayon ay nasa St. Luke Medical Center, hehehehe dina shooting ito, labis kasi  ang taray e lola na ayun pinatulan tuloy ng mga gagong tauhan ng naupa sa kanyang bahay nuong July 04, 2012 ng gabi  sa New Manila, Quezon City, ang mga suspek ay agad tumakas ang magasawang Peter Lico  at Rosemarie na sasampahan ng double frustrated murder ng mga abogado ni Amalia sa tinamong tusok sa  likod ni Ms.Amalia at gulpi, hampas ng payong, dahil sa talbog na check na inissue nila sa mataray na aktres. Sana ay tulungan siya ni Mommy Anabelle ……


Mga Pilipino Seaman Kawawa,
Kung mapapanuod ninyo ang sinapit ng mga Pilipinong Seaman na tumakas sa Bansang Malaysia ang naghain ng  kanilang masaklap na dinanas sa kamay ng tarantadong mga opisyales ng barko na sinakyan nila. Isang malaking fishing vessel international na di umano ay mani lang ang ulam, tira-tira halos tinik ng isda at  tubig na puro kalawang na lang ang pinaiinom sa kanila at may halong panggugulpi at pinagmamalupitan ng  labis, dapat umaksiyon ang gobyerno sa bagay na ito, sobrang mahal ng tuition fee ng pag-aaral ng seaman,  sobrang dami ng training at iba pa. POEA, Marina at mga samahan ng seaman umaksiyon kayo diyan sa  pang-aabuso sa Pinoy, ginawang mga  aso ang kababayan natin.


Mga Matatabang Pulis Kinalos,
Pinag-utos ng Chief PNP Nicanor Bartolome ang pagsasagawa ng regular na ehersisyo sa may 3,000.00  myembro ng kapulisan na over weight para mabawasang ang timbang at hindi masibak sa pwesto, isasailalim   sa  walong linggong slimming program ang mga tabatsoy na Parak. 

****************************
Kung may gusto kayong iparating sa aking para mailathala nating
mga pang-aabuso at hinaing ay
magtext o tumawag sa num. 0916-2986137. 
Maraming Salamat po.
KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   




No comments:

Post a Comment