BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MAS MARAMING DAPAT TAPUSIN, MARAMING DAPAT NA UMPISAHANG GAWAIN —MALIKSI


PINASALAMATAN ni City Mayor Emmanuel L. Maliksi ang lahat ng mga mamamayan ng bagong lungsod   na bumoto ng pabor sa cityhood bid ng Imus sa ginanap na plebesito nitong Hunyo 30.

“Siyempre, ang amin ding pasasalamat sa inyo sa media … kayo po ay itinuturing namin na kapartner sa  pagbabago at pag-unlad ng aming bayan at bunga ng inyong suporta, nabigyan ng malawak na impormasyon ang mga mamamayan kaya  bumoto siya ng Yes sa cityhood bid ng Imus,” sabi ni Maliksi sa harap ng may  40 local media persons na dumalo sa munting “Thank You Party” sa kanyang tahanan.

Mahigit na 20,000 ang bumoto ng Yes! laban sa mahigit lang 2000 ang bumoto ng kontra sa pagiging  lungsod ng Imus na ngayon ay opisyal nang ikaanim na siyudad sa Cavite.

Nitong Hunyo 23, nagwagi rin ang Yes! votes sa cityhood bid ng Bacoor. 

Niliwanag ni Maliksi na hindi dahil siyudad na ang Imus, agad-agad ay madarama ang mabilis na pagbabago  sa Imus. “Hindi po overnight ang pagbabago sa ating siyudad,” paliwanag ng makisig na alkalde.

“Una, kailangang maihanda ang bagong budget para sa 2013, at dito po, gagawa tayo ng direktang  konsultasyon sa lahat ng sektor para makagawa ang inyong lingkod at ang City Council naman po sa  pamumuno ni Vice Mayor (Mandy) Ilano ay makapag-approve ng sapat na badyet sa mga dati nang  proyekto natin at sa mga gagawin pa para sa kabutihan ng lahat ng Imuseno.” 

Ayon pa kay Maliksi, magkakaroon din ng maraming pagbabago sa mga hepe at puno ng opisina at  departamento sa bagong siyudad upang maiangkop sa bago nitong estado Nilinaw ni Maliksi sa tanong kung  ang panunungkulan niya ngayong siyudad na ang Imus ay maituturing na unang termino niya bilang city mayor.

“Hindi po … ang pagupo ko ay hindi maituturing na buong term ko kasi, ang inookupa ko ay tenure of office  lamang na naiwan ng pinalitan kong alkalde,” sabi ni Maliksi. 

Tatlong taon ang regular na termino ng isang alkalde. Pinalitan niya si dating Mayor Homer ‘Saki’ Saquilayan  nang ideklara ng Imus RTC na si Maliksi nga ang tunay na nanalong alkalde noong eleksiyon ng 2010.

Kulang sa dalawang taon ang naisilbi ni Saki sa munisipyo at kulang sa isang taon at kalahati ang tinatapos na  panunungkulan ni Maliksi. 

Paliwanag pa ni Maliksi, kung papalarin siya na manalo sa 2013 elections, “dito pa lamang magsisimula ang  unang termino ko bilang city mayor.”

“Marami pa pong dapat na masimulang proyekto at kailangan umpisahan kami dito sa City of Imus,” patuloy  na sabi ni Maliksi. Kailangan ang isang district hospital, sariling City College, socialized housing project  para  sa mga kawani ng syudad, para sa mga pulis at titser na wala pang sariling bahay, at programang Community  Mortgage Program sa urban poor, sabi ni Maliksi. 

Tungkol sa mga bagong konsehal na mula sa walo ay magiging 12 na, sinabi ni Maliksi na hindi ito agad  maipatutupad kahit city na ang Imus ayon sa charter nito. 

“Una po, hindi na maaaring gawin ito agad  ngayon,” aniya, at idinugtong: “Kailangang kunsultahin din natin  ang budget officer natin – mayroon ba tayong maipasasahod sa mga bagong konsehal, at sa kanilang mga  staff?” Hihingi rin sila ng legal opinyon sa mga eksperto sa batas ng local government at sa Department of  Budget.

“Marami pa pong dapat na gawin at pag-aralan, pero sinisikap na nating maumpisahan ito,… kumbaga sa  isang baby, magsisimula uli tayo sa mga unang hakbang, marami ang challenges na kailangang harapin ng  ating bagong lungsod ng Imus.”
MAS MARAMING DAPAT TAPUSIN, MARAMING DAPAT NA UMPISAHANG GAWAIN —MALIKSI
By: TESS LEONILLO at ELI TAPARAN II│Operation Exposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   



No comments:

Post a Comment