BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MAPAYAPA, MAAYOS NA REGADA 2012 SA CAVITE CITY...


HOTSHOTS:
MASAYA ang naging pagdiriwang ng araw ng kapistahan ng patrong si  San Juan Bautista, sa Cavite City nitong Hunyo 24.


Ilang panahon na ang nakalilipas ng pasimulan sa lunsod ng Cavite  ang REGADA o  water festival, o ang  basaan sa kalye, na ginagawa sa kahabaan ng P. Burgos Avenue. Kinapapalooban ito ng iba’t ibang  programa na may kinalaman sa larong tubig at ang fluvial parade ni San Juan Bautista  na ginagawa sa dagat  na sakop ng Cavite City at ang karakol na iniikot sa mga pangunahing lansangan at ang highlights ay ang basaan sa kalye sa pamamagitan  ng sprinklers na ikinakabit sa kahabaan ng P. Burgos Avenue na  sinusuplayan naman ng tubig galing sa mga trak ng bumbero ng Cavite City Fire Station.


Kung dinarayo ng taga-ibang lugar ang San Juan City sa araw ng pagdiriwang ng kapistahan  ni San Juan  Bautista sa tuwing sasapit ang Hunyo 24.


Nang  mapasimulan sa lunsod ng Cavite City ang REGADA  o ang Water Festival hindi lamang mga taga-kalapit na mga bayan ang dumarayo, kundi maging ang mga turista upang makipagsaya at makiisa sa  pagdiriwang.


Hindi maiiwasan, kaakibat na ng mga pagdiriwang na tulad ng  mga kapistahan ang mga insidente ng kaguluhan o nangyayaring karahasan.. 


Ang iba ay bunga ng  kursunadahan, pambabastos, mga nagkitang dating magkaaway at ang sobrang  kalasingan.
Dahilan kung bakit sa bawat okasyong darating ay  pinaplano at pinaghahandaan ang mga dapat gawin upang mapanatili ang katahimikan at kaayusan.


Magsimula  sa pagsasaayos ng trapiko, sa mga itatalagang mangangasiwa sa fluvial parade, karakol, mga   itatalagang kaanib ng kapulisan sa mga gaganaping programa ay isinasagawa ang pagpaplano at paghahanda  upang maging tagumpay, tahimik at maayos  ang magiging resulta ng gaganaping okasyon. 


Sa loob ng maraming taon na pagdiriwang ng REGADA  sa lunsod ng Cavite,noon pa man ay may mga naitala ng insidente ng karahasan at kaguluhan dahil sa mga kadahilanan ng (pambabastos, kursunadahan,  nagkitang magka away at bunga ng kalasingan).


Noon, may  mga naging biktima na kundi ang maisugod sa ospital bunga ng karahasan ay ang kinahantungan  ay libingan, nabaril, nasaksak o napagtulungan. 


Mga insidenteng sadyang hindi maiiwasan, Sa pagdiriwang ng REGADA sa taong 2012, wala man ang sprinklers na ikinakabit sa kahabaan ng P. Burgos Avenue, dahil umano sa kadahilanang masira ang bagong  espaltadong daan.


Isang ganap na tagumpay ang idinaos na pagdiriwang dahil sa walang naitalang mga insidente ng karahasan.  Kung may mga kaunting kaguluhan ay simpleng away lamang na madaling napigilan. Una ng  maipagpapasalamat sa Poong  Maykapal ang walang malalaking gulo na nangyari  at  ang pasasalamat sa  mga nasa likod ng katahimikan at kaayusan sa naganap na pagdiriwang. 


Sa pamamagitan ng ating kolum ay ang pagpapasalamat sa mga OPISYALES at mga KAANIB  ng kapulisan sa pamumuno ni P/ SUPT. ROMMEL LACONSAY JAVIER ang hepe ng pulisya at sa mga  NON GOVERNMENT ORGANIZATIONS  na nakiisa at tumulong sa katahimikan at kapayaan ng  pagdiriwang. 


MABUHAY PO KAYONG LAHAT!!! at  CONGRATULATIONS FOR
A JOB WELL DONE....







HOTSHOTS
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment