BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Kasangga Vol, 09 Blg. 51:BATIKAN NA MATULUNGIN SA TAO


Mga Minamahal kong mga tagabasa may paparating na naming sama ng panahon, kailangan lagi tayong  handa upang maiwasan ang disgrasya at maging maayos po ang lahat pagsapit ng bagyo.


BATIKAN NA MATULUNGIN SA TAO
Mga minimahal kong taga Rosario ay bigyan naman natin ng pansin ang Batikang Matulungin sa Tao, miski  hindi na Konsehal itong si Onie Aranas ay sobrang buti nito sa tao, hindi lang sa taga Rosario at maging sa  taga ibang lugar. Miski sa sariling bulsa niya nanggagaling ang pera ay itinutulong niya sa mamamayan ng Rosario, Cavite, boss Onie o Kuyang Onie patuloy mo ang magandang adhikain sa bayan, gagabayan ka ng  dakilang lumalang ng sanlibutan, kasama si Willy Cuello na katulong mo sa magandang Gawain, Mabuhay  Kayo.


W.MASTER NG PILAR LODGE NO. 03
Binabati ko po ang butihing marangal na guro ng Pilar Lodge No. 03, Independent Grand Lodge of Phil.  Island, Free and Accepted Mason, IGLPI na may ari ng Kuyangs Tapsi sa may Marulas,  Kawit,  Cavite. Si  V. W. Master Ruel Pallera ay matulungin sa tao na ginagampanan talaga ang simulain ng isang mason lalo na  sa Cavite.  Kasama niya si Bro. Gorgonio Alegro Torres,Past Junior Deacon  at VW.Safiro V. Benedicto,   PM .    Binabati ko din si Bro. Jaime Jose,  Bro. Joseph Wills, WM Venacio I. Cuvin,PM, Wm Agusto  Hernandez, PM W.BRO. Abelardo  Camahalan, PM, incumbent treasurer ng Pilar Lodge. PGM Manuel  Caranza, incumbent Junior Warden Pilar Lodge. Ang Logia  po ay nag celebrate ng ika 118 years  anniversary last 6-02 2012 bilang isa sa pinakaunang Logia sa Cavite kung saan dito sumapi si  Gen. Aguinaldo ng Kawit, Cavite.



HIT  AND  RUN  VICTIM
Si Miguel Asim na taga Balsahan, Binakayan, Kawit, Cavite na tubong Gapan, Nueva Ejica ay nabundol nuong 17 June 2012 sa Panamitan, Kawit, Cavite humigit kumulang 7am nang hindi pa nakikilalang driver ng itim na Toyota Car, Namatay siya nuong June 21, 2012 at nilibing nuong June 26, 2012, Kung sino sa inyo  ang nakakaalam sa tunay na may gawa ng aksidente ay makipagugnayan sa Kawit PNP o sa inyong lingkod  para malutas ang nasabing Aksidente at matunton ang tunay na salarin.
KASANGGA
By: BOBBIT BENITEZ │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue




No comments:

Post a Comment