BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

KALSADANG GAWA SA PINAGHALONG BASURA BUHANGIN AT SEMENTO


ROSARIO, Cavite –– Nagpapasalamat  ang  mga mamamayan ng Rosario, Cavite kay Atty. Nonong Ricafrente, Jr., Mayor ng Rosario at ito ay maaaring napanood nyo na din sa t.v. dahil ang istoryang ito ay na-cover na din ng mga mamamahayag. Ito ay ang isang kalsada na gawa sa pinaghalong mga basura,  buhangin at semento. 
Dito sa bayan ng Rosario sa Kabite sa pagitan ng Coasta Verde at Wawa 3 ay natapos na din ang matagal  ng problema at inirereklamo ng mga residente dito lalo na ‘pag nagkaroon ng kaunting ulan ay hanggang  tuhod na agad ang putik, ngunit ito ay ginawan ng solusyon ni Mayor Ricafrente at para makatulong na rin sa  kalinisan at makatipid ay ipinayo ng alkalde na gamitin na ang mga basura sa ganitong pagkakataon. 


At ito na nga po ang ginawa ang kalsadang halos may 200 metro ay napakaganda na ngayon at semento na  sa tulong nga mga volunteer na mga tricycle driver at mga asosasyon ng TODA ay natapos na at  napakaganda. Ito ay tinawag ni Mayor Nonong na CALLE VERDE. May isa pa na ginagawa ngayon sa  kasalukuyan na may sukat na mahigit kumulang sa 300 dang metro ang haba sa may tapat ng EPZA na  tatawagin naman itong VILLA VERDE ayon sa masipag na Mayor, pag ito ay natapos na at ayon kay Engr.  Edwin Lupisan, Mun. Engr. mahigit kumulang sa apat na milyong piso ang natipid ng pamahalaang bayan ng  Rosario sa proyektong ito ni Myaor Nonong Ricafrente. Salamat po sa mga presidente ng mga TODA  organization at mga tricycle driver sa inyong malaking tulong.
KALSADANG GAWA SA PINAGHALONG BASURA BUHANGIN AT SEMENTO
By: BUDDY VILLACRUZ/MPIO Rosario│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment