BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

HUSTISYA PARA KAY JULIANA LAHOYLAHOY, HONOR STUDENT, HINALAY NA PINATAY PA!!!


ISA na namang 2nd year high school honor  student ang brutal na pinaslang, Anong kalseng kahayupan ang  pumasok sa utak ng mga kriminal na gumawa nito na  matapos halayin at paslangin ang dalagita  ay inilagay  pa sa balon sa isang Barangay sa Tigbawan,  Tabuelan Cebu  na natagpuan nitong  nakalipas na Hulyo 6.  dakong alas 8:00 ng umaga. Kinilala ang biktima na si Juliana Lahoylahoy, maglalabing-apat na taon na sana  sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan sa darating na Martes (Hul-yo 17) at honor student sa San Remigio  National High School.

Sa ulat ni Inspector Ro-berto Hugo, officerin-charge ng Tabuelan sa leeg ang duguang t-shirt nito at itinapon pa sa isang natigang na balon sa Sitio Dalinson, Brgy. Tigbawan ng bayang ito. 

Sinasabing ang biktima, ay noon pang nakalipas na Hulyo 5 (Huwebes)  napaulat na nawawala matapos mabigong makauwi ng kanilang tahanan kaya inireport ito sa pulisya ng kanyang 61-anyos na amang si Romendo Lahoylahoy.

Base sa ulat ng pulisya, ang lugar na  kinatagpuan sa biktima ay masukal at mahigit sa dalawang kilometro  ang layo mula sa tahanan ng dalagita.

Sinasabing bukod sa wasak ang ari, nabatid na ang bangkay ng biktima ay kinakitaan ng mga bakas ng kamay sa leeg na palatandaang sinakal ito ng mga salarin habang nakagapos naman ang kaniyang mga kamay  ng plastic straw sa likuran at tadtad rin ng mga pasa at galos sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa  inisyal  na imbestigasyon ng mga  awtoridad, dalawa hanggang tatlong lalaki ang lumapastangan sa  biktima na posibleng  hinarang umano noong Huwebes ng hapon habang pauwi ng kanilang tahanan.

Nakakapagpataas ng dugo ang kalapastanganang ito sa 13 anyos na dalagita. Higit pa sa mala demonyong  pag iisip o may katinuan pa ba ang isip ng mga walanghiyang ito na gumahasa at pumatay sa dalagita.

Sa ganoong edad na 13 na dalawa hanggang tatlong lalaki ang gagawa ng ganoong ka brutal na krimen, ano  ang magiging laban nito sa mga lumaspatangan sa  kanya? mahina at walang laban gagawan ng ganoong  kalapastanganan?

Kaawa awa ang kanyang mga magulang lalo na at 61 anyos na ang kanyang ama na umaasang makakauwi  ang dalagita ng payapa sa kanilang tahanan at matatagpuang ganito ang kinasapitan.

Gaano kasakit sa isang magulang sa tulad Juliana na honor student pa ay maging biktima ng ganoong ka  brutal na pagpaslang?

Harinawang sa lalong madaling panahon ay mahuli ang lumapastangan sa dalagitang si Juliana ng sa gayon ay  mabigyan ito ng katarungan at matahimik ito sa kanyang kinalalagyan..

Putulan sana ng ari ang mga hayop na ito... 
HOTSHOTS
REY  MORALES│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012

No comments:

Post a Comment