BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

HOTSHOTS: CIDG TASK FORCE PIRATA MERON BA???


KAMAKAILAN lamang ay nagsagawa ng operasyon ang mga taga Media Optical Board (OMB) sa alawigan ng Cavite. 


Sa isinagawang operasyon ng OMB ay tinatayang aabot sa P14 milyong halaga ng pirated na DVDs at VCDs ang nakumpiska sa   magkakahiwalay na operasyon noong Hunyo 30 ng
hapon.

Sa ulat, sinalakay ng mga awtoridad ang mga tindahan sa Walter Mart ng Dasmariñas City, Lotus Mall,  palengke sa bayan ng Imus at ang palengke sa Barangay Manggahan sa bayan ng General Trias. Ang mga  nakumpiskang  piniratang DVDs ay dinala sa opisina ng Optical Media Board  (OMB)  sa Barangay Laging  Handa, Quezon City para sa kaukulang disposisyon.

Tamang trabaho, dahil may paglabag kontra sa kasong pirated DVD's, Tamang operasyon dahil unipormado ang mga ito at  tamang disposisyon ng mga taga OMB na kumpiskahin. 


Pero teka mga igan, may nakalap tayong impormasyon buhat sa ating mga kapatid na Muslim, may umiikot  na grupong nagpapakilalang taga Criminal Investigation Detection  Group (CIDG) Crame, na sinasabing taga   TASK FORCE PIRATA?

Sa impormasyon sinasabing ang  Team Leader ay nagpakilalang isang P/ Insp. Rosa?
Mga naka motorsiklo, nakasibilyan at malalaki ang tiyan na dumadayo sa lalawigan ng Cavite at sa mga  kalapit na bayan. 

Sa nakalap nating impormasyon, Armado ang mga ito ng kalibre .45, na humihingi ng lingguhang payola sa mga Muslim vendors na nagtitinda ng DVD. Ang siste ng ipaalam  ito ng ating mga kapatid na Muslim sa CIDG sa Cavite, at sa Camp Crame ay walang ganoong Task Force, at wala din  daw na ganoong P/ Insp. Rosa sa kanilang grupo? Ano ito pekeng CIDG laban sa mga pekeng DVDs? 


Sa impormasyong nakalap natin may nabiktima na ang mga ito sa Epza Rosario na matapos tumimbre ay humingi ng pang gasolina, ganoon din ang ginawang modus sa Tanza at sa Las Piñas  ng hindi makalusot ay  nagkunwaring isasakay sa van ang mga pirated DVD na kunwari din na tinawag sa cellphone at dahil sa wala  naman talagang tinawagan at mapapahiya  ay kinuha ang DVD ng mga Muslim na nagkakahalaga ng  P10,000 at isinakay sa kanilang mga motorsiklo!!!


Well, Ano nga ba ang magagawa ng mga vendors eh armado ng mga eskwala este  baril take note .45 kalibre na pawang nikilado.
Sa pagkaka alam natin kapag CIDG ang nagtatrabaho unipormado ang mga ito lalo na kung operasyon lalo  na nga kung taga OMB.

At sa pagkakaalam din natin may mga sasakyan ang mga ito na ginagamit na kundi kotse ay van para  paglagyan ng mga nakukumpiskang pirated DVD's.

Teka, may naamoy tayo  na  medyo malansa,parang sa takbo ng impormasyon  maliwanag na namemera  lang ang mga ito at ang panakot ay ang baril na nakasukbit sa beywang.

Ang siste pa ang gamit na motor eh scooter na MIO hindi pwede sa habulan kung baga, katatakutan nga  lang dahil may kalakihan ang mga ito at armado.

Ang masakit sino ang sisita? Alam natin na may paglabag din ang  ating mga  kapatid na Muslim matagal ng  panahon na ganoon ang kanilang hanapbuhay. 

Kaya nga kahit malugi kapag nahuhuli ng mga awtoridad kamot na lang ng ulo ang mga ito.

Kung baga para na lamang silang nakikipagsugal... Wala silang pupuntahang ibang hanapbuhay, vendors  lamang ang mga ito ang dapat na pagtuunan ng pansin dito ay iyong mga gumagawa o manufacturers ng  pekeng DVD's.


Dahil sa mga manufacturers na ito nanggagaling ang itinitinda ng mga vendors. Para matigil ang ilegal na  pagtitinda ng pekeng DVD's mabibigyan ba natin ng ibang disenteng hanapbuhay  ang ating mga kapatid na  muslim? 


Aminin man at hindi naman tayo nagbibintang.. 
Bakit hindi mahuli iyong malalaking isdang manufacturers? Doon sa mga awtoridad kayo na ang sumagot isa  lang ang dahilan nito  may namamagitan o may involved na malaking halaga di kaya? kaya ang nagyayari nagiging gatasang baka ng ilang mga tiwaling awtoridad ang mga vendors na muslim..


Para doon sa tatlong umiikot na sinasabing taga CIDG heto at basahin ninyo!!! 
Nakuha ang plate number ng isa sa inyo UF 6213.ang hindi lang natiyak ay ang kulay kung itim o dark blue  dahil sa takot sa inyo ng mga vendor.

Para doon sa mga kaibigan natin sa CIDG sisirain ng mga ito ang pangalan ninyo dahil kayo ang  isinasangkalan. Alam natin ayaw ng aming dating Provincial Director sa Cavite at ngayon ay hepe ng CIDG   ng ganyan di ba Sir Atty. PNP Director Samuel  "Sammy" Pagdilao??? Abawwww,,,, kilos mga utol at baka  marami pang mabiktima ang mga sinasabing taga CIDG  na ito....

HOTSHOTS
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   







1 comment:

  1. San po ba yang Cavite na sinasabi nyo? Nasa Cavite City sila nung July 10 at nung bago bumagyo 2 beses silang nagpunta dito. Pirated CD/DVD ang kinuha nila at inspection ng computer shops na nagamit ng unlicensed software sa kanilang negosyo. At babalik uli sila sa mga hindi pa naiinspection na computer shops. Wala pong CIDG, puro Optical Media Board ang nagpunta dito.

    ReplyDelete