BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

GATAS LANG BA ANG SAGOT SA KAWALAN NG CALCIUM?


ANG Calcium ay isa sa pinakamahalagang mineral  sa  ating katawan. Ito ay kailangan para sa pormasyon at  pagpapanatili ng matibay na mga buto at ngipin. Kung wala ito, mistulang “gulay” ang tao dahil sa kawalan ng  buto at ngipin, o kalambutan at kahinaan ng mga ito.


Ang lakas at tibay ng buto ay nakasalalay sa calcium at iba pang mineral at sustansya tulad ng  vitamin D, magnesium,  copper, zinc, manganese, boron, vitamin C, at vitamin K. Ito ay mahalaga habang tayo’y  lumalaki  at  tumatangkad. Wala pang katibayan na nagpapakita na ang paginom ng mataas na doses ng  calcium, kahit sa matagalang panahon, a y makakapigil sa osteoporosis.


Subalit ayon sa pananaliksik ang paginom ng mas mababa sa 500 mg calcium kada araw ay lubhang nakakahina ng buto. Gayunman, tiniyak ng pag-aaral na ang simpleng pag-inom ng calcium tablet (1,500 mg bawat araw) ay nagpapatigas ng buto at nagbibigay proteksyon laban sa osteoporosis ng  nagme- menopause.


Pinabababa nito ang “bone loss” ng 30 hanggang 50%. Ang iba pang pananaliksik ay nagpapatunay na ang  mga supplements ay nakapagpapatibay ng buto lalo na kung sabay ang regular na ehersisyo tulad ng “weight  training exercises”.


Nagbabago ang proporsyon ng  calcium at magnesium sa tibay ng ating buto. 


Kung bumababa ang dami ng magnesium sa ating dugo, ang ating kidney ay sadyang nagbabalanse nito sa  pamamagitan ng pagdagdag ng mas maraming calcium sa dugo.


Kung ang magnesium naman ang marami, ang kidney ay nagpapalabas ng mas kaunting  calcium. Kung may  tamang bilang ng magnesium sa ating dugo, mas maraming calcium ang tuluyang naiipon sa ating katawan.


Ito ay dahil sa ang blood level ng magnesium ay tumutugon sa mas mainam na pagtanggap ng calcium sa ating  katawan. Ang ating kinakain sa arawaraw ay nakakaapekto sa kundisyon ng ating buto.


Ang pagkain ng matamis o mataas sa asukal, grains, at iba pang  carbohydrates ay nakapagpapahina ng mga  buto. Ang asukal ay nagdudulot ng acidification (pangangasim) sa ating dugo na nagpapabawas ng calcium sa  katawan.


Ang  phosphorus  sa grains at soft drinks ay nakapagbabawas ng mga karagdagang bilang ng calcium. Ang gatas ay hindi dapat pangunahing  pinagkukunan ng calcium dahil ito ay naglalaman ng milk sugar o lactose.


Ang calcium ay mahalaga sa iba pang bahagi ng katawan maliban sa buto. Sa katunayan, ito ay lubhang  kailangan sa paggamot ng maraming karamdaman tulad ng panganganak at panggagamot sa puso at kanser.  Ito ang mga pinakagawain  ng kanser:


Ø Hypertension – Nababawasan ng calcium ang panganib ng high blood pressure. Binabawasan nito ang  pagkakaroon ng high blood pressure habang nagbubuntis (pre-eclampsia).

Ø Mataas na cholesterol – Natutulungan ng calcium angkalusugan ng puso sa pamamagitan ng pagpapababa  ng mga taba sa dugo halimbawa: cholesterol at triglycerides. Tinutulungan din nito ang pagdami ng mabuting  cholesterol (HDL o high density lipoprotein). 

Ø Komplikasyon sa pagbubuntis – Sa pag-inom ng calcium (1,200 mg bawat araw), naiiwasan ang panganib  na pre-mature deliveries at mababang timbang ng sanggol.

Ø Cancer – Binabantayan ng calcium ang pagkakaroon ng cancer sa matres, lapay at bituka (colon).

Ø Insomnia – Subukang uminom ng calcium sa gabi at maaaring makatulong ito sa mas mahimbing na  pagtulog.

Ø Nababawasan ang mga sintomas tulad ng pamumulikat ng binti (leg cramps) at pananakit ng puson kapag  may regla (menstrual cramps o dysmenorrhea).

Ø Naiiwasan ang pagkasira ng ngipin – Ang calcium ang pangunahing mineral na nagpapatibay ng ngipin. 

Ø Mahalaga rin ang calcium sa nerve conduction – Ito ay maaaring makatulong para mabawasan ang  pamamanhid at pangingimay ng ating katawan. Pinagkukunan ng calcium. Maaaring hindi ito namamalayan, subalit ang calcium ay laganap sa maraming pagkain kung kaya ito ang pangunahing sustansya na kailangang  isama sa mga pagkain at inumin.


Ilan sa mga pinanggagalingan ng mineral na ito ay ang sardinas at salmon (yaong may buto), sesame seeds,  almonds, brazil nuts, broccoli, peas, cooked spinach, tofu, cabbage, asparagus, prunes, soybeans,  watercress, seafoods, at mga berdeng gulay. Keso ang magandang halimbawa ng pagkain na mataas sa  calcium at mababa sa carbohydrates. Ang mga calcium supplements ay makikita sa iba’t ibang porma o  preparasyon. Maaaring tablet, kapsula, chewables, powders, at likido. Ang karamihan naman ay nasa anyo  ng mineral salt, tulad ng calcium carbonate, calcium gluconate at calcium citrate. Ang calcium citrate ay mas  mabilis tanggapin ng katawan kaysa sa iba. Kung kaya, tingnan ang label ng produkto bago bumili ng supplements.

CAVITE HEALTH WATCH
EDWIN POBLETE M.D.│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012













No comments:

Post a Comment