BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Francisco P. Llamado y de Guzman (1887-1945) Ulirang Ama,Guro at Mason


Si Francisco P. Llamado ay ipinanganak noong ika-17 ng Mayo taong 1887 sa Bayan ng Caridad, Cavite  (ngayo’y Cavite City). Ang kanyang mga magulang ay sina Ramon Llamado at Francisca de Guzman.
Ang ama ni Francisco na si Ramon ay isa sa mga naunang hinuli ng mga kastila ng pumutok ang rebolusyon  noong ika-31 ng Agosto taong 1896. Si Ramon ay hinuli ng unang araw ng Oktubre 1896. At ang kanyang  bahay ay isa sa sinunog sa Caridad noong ika-4 ng Pebrero 1899 ng sunugin ang San Roque at Caridad.


Si Francisco ay lumaki sa Caridad at nagaral sa pribadong paaralan ni Don Anastasio Pinzon at ni Don Jose  Basa y Enriquez. Nagaral sa Cavite High School noong Agosto 26, 1903 ang Philippine Commission ay  nagpasa ng “Act 854” kung saan maraming pensiyonado scholars ang ipinadala sa Estados Unidos. 
Isa si Francisco sa napili para maging iskolar pensiyonado sa Amerika.


Sa pagbabalik niya mula sa Amerika siya ay nagturo sa Cavite High School. At noong 1908 tinulungan niya  si Dr. David P. Barrows na itatag ang Cavite High School Library at ito ang unang natatag na school library  sa Pilipinas noong 1908. Nang ang Cavite High School ay nasa gusali pa ng Cavite Elementary School sa  Cavite Puerto. 


Si Francisco ay naging supervisor hanggang siya ay magretiro sa pagtuturo noong 1931. Isa siya sa nagtatag  ng Caridad Civic Club noong 1927. Naging Trustee noong 1929, 1932 at 1936. Pagkatapos ay naging Vice    President noong 1930, 1931 at naging President 1937.


Naging “Maestro Venerable” ng Lohiya Bagong Buhay numero 17 noong 1932. Naging konsehal noong  bago magkagiyera.


Sa alaala ng kanyang anak na si Lily, noong siya’y 8 taong gulang, ang kanyang ama ay natutulog pagsiyesta  pagkatapos ng tanghalian. Siya ay tinatawag upang kumante ng “Takipsilim” at “Babalik ka rin” at maya-maya ay tulog na ang kanyang ama. Pagkagising ay pinapaayos ang higaan kay Lily. Nakakapulot si Lily ng  diyes sentimos at tuwangtuwa siya. At nalaman ni Lily na inilalagay pala ng kanyang ama ang pera.


Minsan noong panahon ng mga Hapones sila ay sama-samang kumakain ng kanyang pamilya. Si Francisco  ay mahilig magkuwento at minsa’y nakakatawa ito at sila’y nagtatawanan. Sa oras na iyon ay dumating si  Mr. Jose Colina upang dumalaw kay Francisco at narinig niya ang tawanan ng pamilya at siya’y hangang- hanga na isang halimbawa ng masayang pamilya.


Si Francisco ay nagpakasal kay Dolores Crisostomo noong 1914. Ang pamilya ni Dolores ay kinikilala sa  bayan ng Caridad, Cavite. Sila ay nagkaroon ng walong anak na sina Natividad, Romulo, Francisco Jr.,  Mario, Octavio, Cesar, Librada at Florante. 


Bilang isang Ama ay hindi niya maalis sa kanyang isipan ang pagkahuli at pagkapatay sa kanyang anak na si  Romulo ng mga Hapon. 


Siya ay nagkasakit ng trangkaso, nanghina at nag-iisip sa pagkawal ang kanyang anak. Hanggang siya ay  bawian ng buhay noong ika-16 ng Enero taong 1945, inilibing sa sementeryo ng Lungsod ng Cavite.








No comments:

Post a Comment