BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

CITYHOOD NG IMUS, PAGBOBOTOHAN SA HUNYO 30


IMUS, Flag Capital of the Philippines – Sa botong 36,226 Yes! votes, ipinasiya ng mga rehistradong  botante ng Bacoor na ito nga ay isa nang ganap na lungsod. Idineklara ni Ms. Aniceta Laceda, Commission on Elections (Comelec) officer dito, alas 12.30 ng tanghali ng Linggo na ang Bacoor ang  ikalimang bagong siyudad sa Cavite. 

Umabot lamang sa 3,854 ang No! votes sa plebesitong idinaos nitong Sabado, Hunyo 23 na sina Mayor  Strike Revilla, Congresswoman Lani MercadoRevilla ang unang bumoto pabor sa cityhood ng bayan. 

Dumating sina Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr.,, anak nila ni Congw. Mercado-Revilla na si Ramon  ‘tJolo’ Revilla III, Cavite ABC president sa deklarasyon ng lungsod na sinaksihan ng mga konsehal at  iba pang opisyal ng bagong siyudad.

Sa darating na Sabado, Hunyo 30, idaraos ang plebesito sa cityhood ng Imus na inaasahang papaboran  din ng maraming rehistradong botante ng progresibong bayan at kabisera ng lalawigan. Sa plebesito,  ipinaalala ni Mayor Emmanuel Maliksi na duon sa mga presintong bumoto ng nakaraang eleksiyon ng  2010 dapat magpunta ang boboto sa cityhood ng Imus.

Inaasahan ni Maliksi na mananalo ng botong Yes! sa referendum. Magkasunod na nilagdaan ni  Pangulong Aqino nitong nakaraang Abril ang charter ng Imus at Bacoor na iniakda nina Bacoor  Congresswoman Mercado Revilla at ni Imus Congressman Ayong Maliksi.

Magiging ikaanim na siyudad ng lalawigan ang Imus kapag pinagtibay ito ng mga botante. Iba pang  siyudad ng Cavite, bukod ang Bacoor, ay ang Cavite City, dating capital ng lalawigan, Trece Martires  City, Capitol site; ang 2nd  Summer Capital of the Philippines,Tagaytay City, at ang pinakamayaman sa  kinikita kada taon at may pinakamaraming populasyon, ang Dasmariñas City. ELI TAPARAN

YES VOTES po tayo:  Mas maraming benepisyo po ang matatanggap ng mga senior citizens, mas  maraming programa sa health, edukasyon at ivba pan serbisyo. Ito ang sinasabi ni Imus ABC President  Totie Ropeta sa isang open forum parea sa cityhood ng Imus kamakailan; sa dulong kanan, si Imus  Vice Mayor Mandy Ilano, at nasa harap, bahagyang natatakpan si Konsehal Ony Cantimbuhan, Bokal  Larry Nato, at SK Federation Pres. Darlon Sayarot. Photo: OHBET TOPACIO



CITYHOOD NG IMUS, PAGBOBOTOHAN SA HUNYO 30
By: ELI TAPARAN│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment