BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BIKTIMA NG DENGUE SA BELVEDERE III


GEN. TRIAS CAVITE- Isinugod sa  GENERAL EMILIO AGUINALDO MEMORIAL HOSPITAL sa TRECE MARTIREZ  CITY. Ang isang batang lalaki na agad binawian ng buhay matapos na ito ay tamaan ng sakit na DENGUE dulot ng kagat ng lamok. Ang biktima ay nakilalang si RENANTE ESCUDERO GOMEZ, 11 taong gulang resendente sa Sec. 8, BELVEDERE III PASONG KAWAYAN II, GEN.  TRIAS. 

Ayon  sa pahayag ng mag- asawang Renante at Marites Gomez, magulang ng biktima ng Dengue, ay 3 araw  na di umano na nilalagnat ang kanilang anak na si Renante, bagay na nabahala ang mag- asawa kung kaya’t  nag pasya ang mag- asawa na isugod ang kanilang anak sa nasabing pagamutan, nitong July 3 ganap na alas  5:00 ng umaga. Subalit pag dating ng alas 12 ng tanghali ay binawian na ito ng buhay Ayon sa resultang  MEDICAL EXAMINATION na ipinalabas ni Mary Ann Melandres MEDICAL OFFICER III ng  GEAMH. 

Ang sanhi ng agarang pag kamatay ng bata ay DENGUE SHOCK SYNDROME.
BIKTIMA NG DENGUE SA BELVEDERE III
By: REV. PRUNING ALVAREZ│Operation Exposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012

No comments:

Post a Comment