BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BAHAY NASUNOG, P300,000 ARI-ARIAN NILAMON NG APOY


CAVITE CITY––Tinatayang aabot sa P300,000 halaga ng ari arian ang tinupok ng apoy ng masunog ang  isang bahay sa F. Mañalac Street, sa lunsod ng Cavite  dakong ala 1:45 ng hapon nitong nakalipas na Hulyo  4. 

Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni Chief Insp. Jerome T. Reaño, City Fire Marshall, base sa paunang  imbestigasyong isinagawa ni FO2 Isagani Labis, Fire/ Arson Investigator nabatid na isang tawag sa telepono  buhat sa isang Vic Guererro ang natanggap ni FO1 Virginia Ednaco, telephone operator sa nagaganap na  sunog sa nasabing lugar, kaagad na tinungo ng mga bumbero ang lugar kung saan sinasabi ng mga nakasaksi,   na nagsimula ang apoy sa 2nd floor ng bahay na pag aari ng isang Solidad Vega y Oncinian sa kuwarto ng  namayapang Honorato Vega.

Ayon sa ulat, nabatid na sa araw ay  si Solidad lamang ang naiiwan sa bahay at sa gabi ay sinasamahan ito ng  anak ng kanyang pamangkin  na natutulog sa nasabing kuwarto. Wala namang naiulat na nasaktan sa  insidente, 14 na trak ng  bumbero sa ibat ibang fire stations sa mga  karatig na bayan ang dumalo upang apulain ang sunog na umabot sa 4th alarm na ideneklarang fire out bandang alas 2:25 ng hapon.

Patuloy naman ang imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
BAHAY NASUNOG, P300,000 ARI-ARIAN NILAMON NG APOY
By: REY MORALES/ RENANTE MAGBUAT │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012  

No comments:

Post a Comment