BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

BACOOR LUNSOD NA!


BACOOR, Cavite–– Isa nang ganap na lunsod ang bayan ng Bacoor sa lalawigan ng Cavite matapos  umani ng 80 percent ng mga botante ay pumabor sa cityhood nito sa ginanap na plebisito nitong Hunyo  23 Nagpasalamat naman si Mayor Strike Revilla  sa  mga sumuporta sa cityhood ng Bacoor. 

Ayon naman kay Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., kapatid ni Mayor Strike, ang pagiging lungsod ng  Bacoor ay mangangahulugan lamang ng malaking pondo ng lungsod para sa mas ibayong paglilingkod sa mamamayan. 

“Ang annual budget ng Bacoor is P474 million. Pag naging siyudad na ‘yan, minimum na madadagdag diyan P200 to 300 million, almost double,” wika pa ni Sen. Revilla. Nilinaw din ni Sen. Revilla na ang  pagiging lungsod ng Bacoor  ay  hindi manga-ngahulugan ng mas mataas na buwis sa mamamayan dahil  mayroong 5-year moratorium sa mas mataas na buwis.

Aniya, magkaroon man ng pagbabago sa babayarang buwis  ay magiging gradual ito pagkatapos ng 5-year moratorium. Naniniwala rin si Sen. Revilla na susunod nang magiging lungsod ang Imus kung saan ang plebisito naman nito ay isasagawa sa June 30. 

Noong Abril ay nilagdaan ni Pangulong Benigno Aquino III ang cityhood ng Bacoor.

No comments:

Post a Comment