BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

AUDITORIUM NG SAN SEBASTIAN COLLEGE NASUNOG

Repost on Facebook by Michael Don Reyes
CAVITE CITY–– Tinatayang humigit kumulang sa P600,000 halaga ng ari arian ang tinupok ng  apoy  ng masunog ang auditorium ng San Sebastian College Recoletos sa Cavite City nitong nakalipas na Hunyo 23 bandang alas 12:10 ng tanghali.

Sa ulat ng BFP Cavite City, dalawang bumbero ang bahagyang nasugatan na kinilalang sina Ensign  Marc Peria  ng Philippine Navy na nagtamo ng minor burn sa kanang bahagi ng balikat at si FO3  Genaro Bermudez Jr,BFP/Cavite City na nagtamo ng minor laceration. 

Base sa ulat ni BFP/Sr. Insp. Jose B. Callos, base sa paunang imbestigasyon niBFP / FO3Emmanuel  Arcallana, nagsimula ang sunog dakong alas 12:06 ng tanghali sa ika apat na palapag na kinalalagyan ng  auditorium, umabot sa 3rd alarm ang sunog na dinaluhan ng mga bumbero buhat sa BFP Cavite City,  Cavite City Volunteer , Noveleta Fire Station, Rosario Fire Station, Kawit Fire Station,Philippine Navy,  Philippine Airforce, Rotary Club at Filipino Chinese Fire Volunteer.

Ideneklarang under control 12:40 at totally fire  out bandang 12:48 ng tanghali, samantalang nagsasagawa ng imbestigasyon sa pinagmulan ng sunog.
Photo by: Erlie Padilla Bernardo via Facebook
P600.000 HALAGA NG ARI-ARIAN TINUPOK NG APOY...
By: REY MORALES/ RENANTE MACABUAT│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment