NAIS kong pag-usapan natin ang tungkol sa ating mga puso. Hindi ito scientific discussion kundi isang napaka importanteng katungkulan ng ating puso sa ating buhay. Kadalasan ating naririnig na sinasabi na ang ulo ay nasa itaas na parte ng ating katawan, mataas kaysa sa puso.
Marami ang mga pagpapasya gamit ang isip at may mga nagpapasya naman na kung ano ang dinidikta ng puso.
May nagsasabi na ang gumagamit ng ulo sa paggawa ng desisyon ay isang practical na desisyon. May nagsasabi naman na bulag ang mga gumagamit ng puso dahil hindi na ito nakakakita ng mga dahilan lalong-lalo na sa usapang pag-ibig. Ang puso ang siyang pumping station ng ating katawan at sa oras na huminto na ito sa pagtibok mawawalan na ng buhay ang isang tao.
Nasa tinitibok ng ating puso nakasalalay ang ating buhay sa araw-araw. Habang pinagninilayan ko ang mensahe sa Mateo 15:18-19 “Ngunit ang lumalabas sa bibig ay nanggagaling sa puso, at ito ang nagpaparumi sa tao. Sapagkat sa puso nanggagaling ang masamang isipan, pagpatay, pangangalunya, pakikiapid, pagnanakaw, pagsaksi sa kasinungalingan at paninirang-puri.” Ibig sabihin kong ang isang tao pala ay puro kasamaan ang ginagawa siguradong kulay “uling” na ang kanyang puso. Hindi ang isipan ang marumi kundi ang puso ng isang tao. Ang puso ang siyang nagdidik ta sa isipan kong ano ang iisipin. Kaya pala kung minsan pag may narinig akong hindi maganda unang nag re-react ang aking puso. Naririnig kong kumakabog ito bago pumasok sa isip ko na “ano ang kanyang nasabi”.
Kung hindi natin aalagaan ang ating puso magkaroon tayo ng sakit na magdulot ng kamatayan. Nang binasa ko ang Mateo 15:18-19, kinapa ko ang aking puso. Pag nasa stress ako ang lakas ng kabog nito at sa pamamagitan ng inhale exhale kumakalma ito. Paano ba natin pangangalagaan ang ating puso aside from medications. Nang nagkaroon ako ng ganitong kaisipan, naisip ko na subukan kong bantayan ang aking puso. Isa akong mainiping tao, pag naiinip ako kahit na nakasakay ako sa bus at matagal ang paghinto halos palang gusto kong mag martsa sa loob.
Nang nagkaroon ako ng ganitong pakiramdam nasabi ko sa aking sarili na mainipin pala ang aking puso. Di ba nga ang puso ang siyang nagdidikta sa ating isipan na siya namang nag-uutos sa ating katawan para magkaroon
tayo ng reaction sa ano mang sitwasyon. Maging ang lumalabas sa aking bibig ay binabantayan ko na rin..
May mga sitwasyon talaga sa ating buhay na hindi nating maiwasan na hindi ma “stress”. May mga pagkakataon na halos palang ibato ko ang cell phone ko sa inis at talagang ang lakas ng kabog ng aking dibdib. Nang tumanim sa puso at isipan ko ang mensahe ng Mateo 15:18-19, naging reminder ito sa akin at sa tuwing na stress ako, sinasabi kong “relax heart” at pakiramdam ko nare-relax naman ako Sabi nga laughter is the best medicine.. iwasan nating huwag ma stress ang ating puso. Panatilihin nating maging masaya ito. Always on positive thinking and avoid negative vibes. Kong ano ang pinaka mahalaga sa ‘yo naroon ang puso mo. Kaya Love God First and lift up everything to Him. To God be the glory!!!
REKTAHANBy: MARITES LEONILLO│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue
No comments:
Post a Comment