BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

AKYAT-BAHAY, HULI SA AKTO, KALABOSO


CAVITE CITY–– Sa maagap na pagdalo ng mga tauhan ng pulisya ng Cavite City, isang 19 anyos na lalaki  ang naghihimas ng rehas na bakal makaraang maaresto matapos akyatin ang bahay ng isang teacher sa  Lopez Jaena Street (Brgy 61-A) San Roque nitong nakalipas na Hunyo 24 dakong alas 8:30 ng gabi.


Sa nakalap na ulat sa tanggapan ni P/Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya kinilala ang naarestong  supek na si Aldrin John De Jesus alyas Dindin, 19, binata, walang trabaho residente ng Barangay 60 San Roque ng nabanggit na lunsod.

Samantalang kinilala  ang biktima na may-ari ng  bahay na si Aloha Mangahas y Helbano, 34 may asawa,  teacher, residente ng 1122 Lopez Jaena San Roque ng nasabing lunsod.  Sa  imbestigasyon isinagawa ni  PO3 Rodel  Buitizon, nabatid na isang  Alma Delos Santos,  kasambahay  ng biktima  ang nagtungo sa  himpilan ng pulisya upang ipabatid ang nagaganap na nakawan sa bahay ng kanyang amo. Kaagad na  nagresponde sina SPO1 Ferfer Manzano at SPO1 Mackoy Mallari at PO3 Buitizon sa  nabanggitr na lugar. Napag alaman buhat sa biktima, na habang nagpaparada siya ng kanyang kotse may sampung metro ang  layo sa gate ng  kanyang bahay, ng makita nito ang suspek at pumasok sa loob ng bahay at tinungo ang 2nd floor ng bahay kung saan nandoon ang masters bedroom at ini-lock ang pintuan. 

Kaagad nitong inutusan ang kanyang kasambahay na magtungo sa himpilan ng pulisya upang iulat ang pangyayari.Nang  dumating ang mga tauhan ng pulisya ay binigyang seguridad ang kapaligiran  at   nakipagnegosasyon upang lumabas ang suspek sa loob ng kuwarto. 

Ilang minuto ang nakalipas ay binuksan ng suspek ang pintuan ng kwarto at ng lumabas ito ay nakuha sa  kanyang posesyon ang isang PSP play station na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P12,000, isang susi  at remote control ng isang Hyundai i10, 110 GLS 1.1 liter series model 2012 na kulay itim na may plakang TGQ1323 na nagkakahalaga ng P708,000 na nakarehistro sa pangalan ng biktima, isang Visa card at isang  Master Credit card, na parehong nasa pangalan ng biktima. 

Ang suspek at ang mga  nakumpiskang ebidensya ay dinala sa himpilan ng pulisya. Sinampahan ng kasong  Theft  ang suspek sa lokal na piskalya  at kasalukuyang nakakulong sa istasyon ng pulisya.





AKYAT-BAHAY, HULI SA AKTO, KALABOSO
By: REY MORALES│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 51 July 01 - July 07, 2012 issue

No comments:

Post a Comment