BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

35 ANYOS NA LALAKI TIKLO SA DROGA


CAVITE CITY–– Nagsagawa ng operasyon kontra illegal gambling ang  mga elemento ng Intelligence  Section sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier hepe ng pulisya, nang sa hindi  sinasadyang pagkakataon ay maaresto ang isang 35 anyos na lalaki na nahulihan ng ipinagbabawal na  droga sa Capt. Novales Street, Cavite City nitong nakalipas na Hulyo 6 bandang alas 9:30 ng gabi.


Kinilala ang naarestong si Jimel Lucasan y Ong, walang trabaho residente ng 899 Molina Street ng nabanggit na lunsod. 

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Marquez, nabatid na nahulihan  ang suspek ng isang transparent  plastic card holder na naglalaman ng di pa madeterminang dami ng pinaghihinalaang shabu,  na nakapaloob sa mga small transparent plastic sachet.

Sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11(possesion of illegal drugs) ng Republic Act 9165 ang suspek at nasa kustodiya ng pulisya.

35 ANYOS NA LALAKI TIKLO SA DROGA
REY MORALES/ RENANTE MAGBUAT│Operation Exposé Vol. 10 Blg. 01 July 15 - July 21, 2012 

No comments:

Post a Comment