BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

2 MAG-UTOL NASAKOTE SA DROGA


CAVITE CITY–– Nagsagawa ng operasyon ang Cavite City Police Station sa direktang superbisyon ni P/ Supt. Rommel Laconsay Javier, hepe ng pulisya  laban sa illegal gambling sa F. Dela Cruz, Caridad ng  lunsod na ito nitong nakalipas na HuLyo 2 bandang alas 5: 40 ng hapon, nang  sa hindi sinasadyang  pagkakataon ay maaresto ang dalawang magkapatid na lalaki na mahulihan sa kanilang posesyon ng ilegal na  droga.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Marquez, kinilala ang mga naarestong suspek na sina Anthony Dela Cruz y Estropigan 24, binata, walang trabaho, at ang kapatid nitong kinilalang si Joey, 23, binata, walang trabaho residente ng nasabing lugar.

Nakumpiska buhat kay Anthony ang isang piraso ng plastic container na naglalaman ng  5 piraso ng small  heat sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at sa kapatid nitong si Joey ay isang small  plastic container na naglalaman ng 4 na piraso ng small heat sealed transparent plastic sachet ng ilegal na  droga.

Sinampahan ng kasong paglabag sa section 11( possesion of illegal drugs) ng RA 9165 ang dalawa sa lokal  na piskalya at nakakulong ngayon sa himpilan ng pulisya.

2 MAG-UTOL NASAKOTE SA DROGA
By: REY MORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 52 July 08 - July 14, 2012   

No comments:

Post a Comment