BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

WALANG KADALAHAN ANG MGA PINOY...


EDITORYAL- PINAKAMABIGAT na parusa sa drug trafficking sa ibang bansa ang parusang bitay sa oras na mapatunayang nagkasala.

Tulad sa bansang China bitay ang kapalit ng isang drug offender na mapapatunayang nagkasala ayon sa itinatakda ng kanilang batas.


Nakakalungkot  mang isipin, sa kabila ng kahigpitan ng mga bansang tulad ng China sa pagpapataw ng
parusang bitay sa mga nagkakasala sa pagbibitbit ng droga at pinatunayan nila ito ng bitayin ang tatlong kababayang Pinoy dahil sa pagbibibit ng ilegal na droga papasok sa kanilang bansa.


Waring  hindi nagkakaroon ng kadalaan ang ating mga kababayang Pinoy na magdala o magbibit ng droga sa kabila ng insidenteng nasampolan  na nga tayo ng China at magsilbi itong isang malaking babala, Heto at isa na namang Pinay domestic helper ang haharap sa parusang kamatayan matapos mahatulan ng Malaysian High Court  matapos mahulihang nagpupus lit ng mahig it isang kilong cocaine habang nasa isang bus terminal sa Kuala Lumpur.


Ang Pinay maid kinilalang si  Eliza San Gabriel, 45, na napatunayang nagkasala sa pagdadala ng 1.1269 kilo (1,1269 grams) cocaine habang pasakay sa Puduruya bus terminal dakong alas-8:50 ng umaga noong Agosto 28, 2009 patungong Thailand.


Hinatulan si San Gabriel  ni Judge Datuk Mohd Sofian Abdul Razak ng kamatayan a pamamagitan ng pagbibigti  matapos na mabigo ang kanyang depensa na magbigay ng mga ebidens y a up ang pab ulaanan ang kasong drug trafficking na isinampa laban sa kanya. Sa depensa ni Gabriel, ipinadala la mang umano ng
isang kaibigan mula Peru ang kanyang bagahe at hindi niya alam na may lamang droga habang palabas sa Malaysia patungong Thailand.


Kung si San Gabriel ay nahatulan ng parusang bitay, swerte naman na masasabi ang Tatlong OFWs na nasa death row at  tuluyang nasagip sa parusang bitay matapos mabigyan ng pardon ng Malaysian government. Ang tatlong Pinoy kinilalang sina   Basir Omar, Jaliman Salleh at Aldipal Hadani. Nito lamang Mayo 22, nagpalabas ng desisyon ang Malaysian  Pardons Board na nagbibigay ng commutation sa sentensya na bitay kay Omar sa 13 taon at 7 buwang pagkabilanggo. Sa bagong sentensya ay magsisimula ito sa pagbilang nang ibaba ang petsa ng pardon.


Samantala ang parusang bitay kay Salleh at Hadani ay ibinaba sa 15-taong pagkabilanggo mula sa ipinalabas na desisyon noong Mayo 14 sa Kota Kinabalu. 


Sa rekord, sina Salleh at Hadani ay naaresto noong Hulyo 8, 2008 sa Kota Kinabalu matapos na mahulihan ng 867.1 grams ng  (marijuana) sa kanilang bagahe at sinentensyahan ng bitay ng Sabah High Court noong Hunyo 5, 2010.


Swerte dahil kahit gaano katagal ang kanilang sentensya ay mayroong pagasang makita pa ang pamilyang kanilang iniwanan sa Pilipinas.


Paano kung hindi sila nabigyan ng pardon o hindi nabago ang desisyon ng Malaysian government kawawa ang kanilang mga pamilyang naiwanang  sa bansa.


Ang hinahangad na kaunting kaginhawahan ang mga pagsisikap  at pangunguulila mauuwi na lamang sa wala.


Kailan nga ba magkakaroon ng kadalaan ang mga Pinoy?


WALANG KADALAHAN ANG MGA PINOY...
By: REY MORALES │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 47 June 03-June 09, 2012 issue












No comments:

Post a Comment