BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Ulat sa Pagdakip kay Julian Felipe at sa Pambansang Awit


Si Don Julian Felipe at ang piyesa ng Pambansang Awit ng Pilipinas

KASAYSAYAN- Si Julian Felipe ay nadawit sa pag-aalsa ng 13 Martir, kaya’t siya’y dinakip at nakulong sa kuta ng San Felipe. At isa sa kanyang deklarasyon noong ika-10 ng Setyembre taong 1896 ay ito: humarap ako sa huwes at sa kalihim na nanguna sa pagtawag, ako’y nagiisang nagpaliwanag para malaman ng huwes kung ang tinanggap na deklarasyon ng aking pagpapahayag ay tunay at totoong lahat. At sa pamaraan ng pagtatanong sa aking pagkatao, kung marunong magsalita ng kastila ay kung marunong bumasa at sumulat, nasa kalagayan maihabla at kung bakit ako nakapiit. Siya’y sumagot sa mahinang pananalita, anak ni Justo at ni Victoria, natural na taga-Kabite, 35 taong gulang, may asawa, nagtatrabaho bilang organista. Hindi niya alam ang hangarin ng pagdakip. At pinaghinalaan sa mga nangyayari ng mga nakaraang araw. Nagpasya ang huwes na itala ang palatandaan sa katauhan ng nasasakdal (Julian Felipe) at ito ang mga sumusunod: May kababaan, kayumanggi ang kulay, mukha’y patulis, matang maitim, ilong na hupa, walang balbas. At wala kahit isang natatanging palatandaan.

Siya ay muling tinanong kung may alam na sa bayan na ito’y mayroon sabwatan nararamdaman laban sa mga kastila ng ilang kinikilalang tao at dahil sa pangyayari ay ibinunyag ang kanyang pangalan. Sumagot si Julian Felipe na wala siyang alam sa mga itinatanong sa kanya. Dahil siya’y may buhay na pinapahalagahan at lahat ng kanyang panahon ay nauukol sa kanyang pagiging organista at eskribyente ng pari ng simbahan ng San Pedro at nagtuturo sa kolehiyo ng Sagrada Familia. At kung may bakanteng oras ay inuukol sa pamilya. At hindi umaalis ng bahay. Kanyang inamin ng mga nagdaang gabi sa bilyarang “Caviteño” ay sinabing mayroong okasyong paglalarong magaganap kasama sina Luis Aguado at Victoriano Luciano. Ngunit hindi sinabing kung sila’y maglalaro. Siya’y muling tinanong kung ng gabing iyon sila’y maglalaro sa bilyarang “Caviteño” at kung bakit napupuna na maraming naghahanap sa kanila at may nagsabing umalis na sa bilyarang “Caviteño” at patungo sa San Rofue. Ang sagot ni Julian Felipe ay hindi, sapagkat ang totoo’y nagsara na ang bilyaran ng maglalabing-isa ng hatinggabi. Kami’y sabay-sabay na umalis at ang bawat isa ay pumasok sa kanilang bahay.


Siya ay tinanong muli kung kilala niya si Francisco Osorio, at kung may alam siya na tinanggap mula sa Maynila noong ika-pito ng Agosto na isang kahon na nakapangalan kay Osorio. Kung alam niya ang laman, at kung ito’/y armas at nasa kanyang bahay. Kilala niya si Osorio sabi ni Julian Felipe, ngunit paimbabaw  niyang sinabi na wala siyang alam sa lahat ng itinatanong sa kanya. Sinabi niya na ang lahat ng kanyang ipinahayag ay totoo. Iyon ay kanyang pinaninindigan at pinatutunayan ng kanyang lagda. At ito ay nilagdaan ng huwes na si Don Mariano Buada Perez (Comandante de Infanteria de Marina), ng kalihim Don Bartolome Roldan at nina Luis Salazar del Valle at Ramon Gonzales mga saksi. Siya ay pinalaya sa bisa ng kasunduan ng Biak na Bato noong Hunyo 2 taong 1897.

ANG PAMBANSANG AWIT
Noong Hunyo 5, linggo taong 1898 sa bahay ni Don Maximo Inocencio sa kalye Arsenal, kung saan tumira si Heneral Emilio Aguinaldo pagbalik mula sa Hongkong noong ika-19 ng Mayo taong 1898 upang ipagpatuloy ang ikalawang yugto ng rebolusyon. Nang umagang iyon ay dala ni Julian Felipe ang isang sulat ng rekomendasyon mula kay Heneral Mariano Trias, at pumanhik sa mansiyon upang magbigay galang kay Heneral Emilio Aguinaldo. Ang sulat ay naglalaman na siya’y isang pyanista at kompositor. Ipinatipa sa kanya sa piano ang isang piyesa na ang pamagat ay Balintawak. Hanggang sa ipinaulit muli sa kanya ni Heneral Emilio at tumayo at lumapit sa kanya at sinabi “Gusto ko na ikaw ay lumikha ng isang imno na magiging isang pambansang awit ng Pilipinas. Ngunit ito’y maiiba sa iyong tiugtog, isang pormal, at mahestuwoso upang palitan ang “Marcha Real Española”. Dalhin mo sa akin sa lalo’t madaling panahon. 


At sa kanyang pag-uwi siya ay puno ng sigla dahil siya’y isang guro ng musika lamang at pinagkatiwala sa kanya ang paglikha ng isang pambansang imno. Naaalala pa rin niya ang sinabi ni Heneral Emilio ang imnong ito ang papalit sa “Marcha Real Española.” At pagkatapos ng anim na araw ito’y kanyang natapos. At noong sabado, ika-11 ng Hunyo siya’y bumalik sa bahay na tinutuluyan ni Heneral Emilio sa Kabite Puerto, dala ang kanyang komposisyon. Nang siya ay dumating may ilang Heneral ang nagpupulong. Sinalubong siya ni Heneral Trias sa may pintuan at pinapasok siya ni Heneral Emilio. Sinabi sa mga Heneral kung maari ay pakinggan ang komposisyon. Ito ay kanyang itinugtog ng ikawalong ulit at ang lahat ay nasiyahan at opisyal na idineklara ang komposisyon na “Marcha Nacional Filipina.”

Noong araw din iyon ng siya’y dumating sa San Francisco de Malabon mula sa Kabite dala ni Julian Felipe ang bagong komposisyon upang maisaayos ang bawat piyesa ng bawat instrumento. Siya ay tinulungan ng dating tipano ng banda ng “Regimiento de Linea numero 74.” Tinapos ni Julian Felipe ang pag-iinsayo sa nasabing “Marcha” ng banda San Francisco de Malabon na kinalabasan ay napakaganda ng araw na iyon.


Nang sumunod na araw, linggo, ika-12 ng Hunyo, nagdaraos ng misa si Padre Manuel Trias at ng dumating sa parte ng pagtataas ng ostiya ay tinugtog ng banda ang “Marcha Nacional Filipina” at nasorpresa ang mga taong dumalo sa misa. Kaya’t tinawag ni Julian Felipe ang namamahala ng banda at sinabing “Bakit tinugtog ang Marcha,” ito ay tutugtugin mamayang hapon sa bayan ng Kawit para sa proklamasyon ng kalayaan. Sumagot ang namamahala ng banda “hindi ko po alam, kaya ko po ipinatugtog ay dahil hindi po itinugtog ang “Marcha Real Española.” Ang lahat pong nangyari ay isa pong mahalagang bahagi para sa bayan na ito, kung saan ipinasinaya ang “Marcha Nacional Filipina” pagbibigay galang sa Diyos, at ang kataas-taasang paghahandog sa kanyang pagpapakasakit para sa kaligtasan ng sankatauhan.


Ang piyesang ito na Himno Nacional Filipino
ay ipinagkaloob ni Don Julian Felipe
kay Don Roman Faustino, isang
pamosong pintor-Caviteño.


At nang katanghalian na ay biglang pumatak ang ulan. Kahit umuulan silang lahat kasama ang banda ay pumaroon sa bayan ng Kawit. At sa pagitan ng ika-4 at ika-5 ng hapon ay ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas sa mansiyon ni Heneral Emilio Aguinaldo. Ito ay binasa ni Ambrosio Rianzares Bautista at ang opisyal na pagwawagayway ng bandila at pagtugtog ng pambansang awit.


KASAYSAYAN
By: WILLY PAÑGILINAN │ Operation Eposé Vol. 9 Blg. 47 June 03-June 09, 2012 issue








No comments:

Post a Comment