BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

TUNNEL ACETYLENE GANG


MARAMI  na  ang naitalang ulat sa mga himpilan ng pulisya di lamang sa Kalakhang Maynila kundi sa iba pang panig ng bansa sa mga naging biktima ng "Tunnel o Acetylene Gang" na bumibiktima karamihan ng mga    
pawnshop.


Sa mga naitatalang ulat sa kanilang modus operandi,  ay ang pag gawa ng hukay o tunnel patungo sa kanilang  pupuntiryahing pawnshop at sa oras na maisagawa na nila ito ay ang pag gamit naman ng acetylene upang  mabuksan ang mga vault na pinaglalagyan ng mga sanglang alahas at salapi.


Walang buko at malinis ang isinasagawang operasyon ng grupong ito at matutuklasan na lamang ang krimen  sa oras na magsipasok na ang mga empleyado ng bahay sanglaan at matutuklasang sira at wala ng laman ang
kanilang vault.


Eksperto o bihasa sa paghuhukay o paggawa ng tunnel ang mga grupong ito,  at sa mga tala ng pulisya blangko ang organisasyon sa pagkakakilanlan ng mga suspek maliban sa kung minsan ay cartographic sketch ng mga suspek na pansamantalang  nanirahan sa isang apartment o bahay paupahan na dayo lamang sa lugar na malapit sa kanilang target.


Kamakailan lamang  muling sumalakay ang mga kawatan - makaraang limasin ang nasa P2 milyong halaga ng alahas at salapi ng isang sanglaan,nitong nakalipas na Hunyo 17(Linggo)  ng gabi sa Pasay City.


Sa ulat ng Pasay City Police, pinasok ng mga  magnanakaw ang Ablaza Pawnshop na nasa P. Santos St. malapit sa EDSA Malibay.


Nabatid na nadiskubre ang naganap na pagnanakaw ng security guard ng sanglaan na si Mariel Linajares, 24, nang duty ito dakong alas-6:45 ng umaga. 


Sa salaysay ng  kaherang si Marife Lopez, 23, nagawang mabuksan ng mga kawatan ang kaha-deyero na  pinaglalagyan ng mga natangay na alahas at P200,000 cash sa pamamagitan ng paggamit ng bareta de cabra, cutter, pliers at screwdrivers na iniwan pa ng mga salarin sa loob ng pawnshop. 


Sa pagsisiyasat ng mga tauhan ni Chief Insp. Joey Goforth-, hepe ng Investigation Division ng Pasay Police, posibleng magdamag na naghukay ang mga miyembro ng sindikato mula sa imburnal ng makipot na daan patungo sa loob ng pawnshop.


Matitinik  ang grupong ito, sanay at bihasa sa kanilang mga trabaho. Mahirap  silang mahuli dahil walang nakapapansin kung makita silang mga naghuhukay sa kalsada maaring mga ordinaryong trabahador sa tingin, na naglilinis ng kanal o dili kaya naman ay gumagawa ng mga sirang tubo ng mga linya ng tubig at iba pa.. 

Upang masugpo at matigil ang kanilang operasyon ay ang kooperasyon ng mga mamamayan,na iulat sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung may  kapansin pansing paghuhukay na isinasagawa sa mga tabing kalsada sa dis oras ng gabi. 

Upang makagawa ng paraan ang mga tauhan ng pulisya na masita kung ang ginagawang paghuhukay ay may kaukulang permiso o mga lehitimong mga trabahador na nagkukumpuni na ang trabaho ay sa kalsada. 

Payo naman natin sa mga nag mamay ari ng mga pawnshop ay magkabit po tayo ng CCTV camera sa loob ng pawnshop isang pamamaraang  pang seguridad at makilala ang mga kilabot na kawatang ito. Bahagi po  tayo ng isang komunidad at ano mang suliraning may kinalaman sa kapayapaan at katahimikan ng isang pamayanan ay sa ating mga mamamayan nakasalalay. Hindi po ito kakayanin lamang ng kapulisan o ng mga barangay  kung tayo ay hindi makikipag kooperasyon o makikipagtulungan. 

Happy reading sa lahat ng ating mga tagasubaybay...

HOTSHOTS
By: REY MORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue










No comments:

Post a Comment