BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

TAG-ULAN TAG BAHA NA NAMAN...

EDITORYAL Vol. 9 Blg. 48 - GOODBYE summer season,at pumasok na ang buwan ng tag ulan,hindi man direktang tumama sa Metro Manila ang unang  bagyong Ambo,naranasan  naman ang pagbaha sa ibat ibang lugar.


Pagbahang hanggang sa kasalukuyan ay hindi masolusyunan.tiyak na kapag umulanbaha ang mararanasan. Malayo pa man ang buwan ng tag ulan ay inasabi ng Metropolitan Manila  Development Authority (MMDA) na handa na sila sa tag ulan subalit bumulaga sa mga  residente ilang lugar na sakop ng Metro Manila ang
paglubog ng mga kalsada.nag dulot ng pagkakabuhol buhol ng mga na trapik na sasakyan  sa mga pangunahing lansangan at  pagka stranded ng mga mananakay na naipon sa  mga daan.

Sila rin ang nagsabi na kumpleto na ang paglilinis ng mga drinage at imburnal subalit maging sa telebisyon ay nandoon at makikita ang pagbaha sa mga lansangan. Pagbahang dulot ng mga basurang hindi natutunaw, plastic styrofore na bumabara sa mga tubig daluyan hindi  maubos ubos waring wala ng katapusan.

Tuloy tuloy man ang programa sa paglilinis ng mga basurang hindi natutunaw, kung hindi  tuluyang ipagbabawal ang pag gamit ng mga plastic, styrofore at mga kauri nitong umabot man ng mga taon ay hindi matutunaw at ang patuloy na pagtatapon ng mga basura ng mga mamamayan sa mga tubig daluyan, mga kanal at mga imburnal asahang sa mayroong pag ulan, pagbaha ang maaasahan. 

Solusyong ipagbawal ng tuluyan perhuwisyong  mga plastic at styrofore at disiplina ng Mamamayan ang kailangan. 

Bagyo man ang dumala walng pagbahang maranasan at pangangambahan...

No comments:

Post a Comment