BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

SI TATAY...


HOTSHOTS
SA murang edad ko noon, na wala pang naiintindihan sa takbo ng buhay, madalas ko na maitanong sa aking

sarili, kung bakit ako laging pinapalo at sinasaktan ni Tatay?. 


Sa bawat haplit ng sinturon o pamalo na dumadapo sa aking murang katawan ay nandoon ang sama ng loob bakit pa ba nila ako isinilang?


Nandoon din ang katanungang hindi ba niya ako mahal o wala ba akong halaga sa kanya  upang ang kalupitan ay aking maranasan?


Sa bawat munting pagkakamali, sa pagsisimula pa lamang ng paghawak ng lapis at papel  kapag hindi maisulat at mabasa ang bawat letra sa abakada haplit ng sinturon  sa aking kamay ang lumalatay.


Sa  bawat utos na hindi kaagad nagampanan palo at haplit ng sinturon ang aking nararanasan kay Tatay.


Na  hindi  ko maintindihan, nagrerebelde ang aking kalooban dala marahil ng murang kaisipan kung bakit  hindi ko maintindihan.


Dahilan kung bakit isinubsob ko ang aking sarili sa pag aaral, upang huwag maranasan ang mga haplit ng sinturon sa bawat grado sa eskwela na kanyang minamasdan.


Sa bawat pag iyak ko sa pag uwi kung ako ay mapa away sa mga mapambuskang kaklase o dili kaya ay mga tambay sa daan. haplit pa rin ng sinturon ang dumadapo sa aking puwitan.


Sabi nga at naaalala ko pa hindi bale kang umuwi ng basag ang mukha o puro pasa ang katawan huwag lamang uuwing umiiyak o tinakbuhan ang kalaban.


Sa mura kong edad naitatak bilang panganay ang ipagtanggol ang aking mga kapatid sa mga nakakaaway may pasa man ang mukha o may mantsa ng suntok ang isang mata umuwi mang dumudugo ang bibig o putok ang labi dahil sa pakikipagsuntukan haplit ng sinturon naman ni Tatay hindi ko matitikman.


Dahilan kung bakit sa mga unos na dumarating sa aking buhay sa bawat problemang hindi maiiwasan ay  nandoon  ang tapang na harapin ang bawat  agos  ng buhay.at patuloy na lumalaban  Disiplina,at Responsibilidad,  na noon dahil sa ako ay bata at  mura pa ang kaisipan  ay unti unting natanim at naliwanagan ng ako ay nasa hustong gulang .


Hanggang sa ako ay lumaki at magka isip ay mga aral na natututunan. 


Ang pagmamahal sa Diyos, pagrespeto sa mga nakatatanda, ang pagmamahal sa mga magulang, kapatid, kaanak  maging sa mga kaibigan ay aral na binabalik balikan na aral mula kay Tatay. 


Sa mga oras na ako ay nakagagawa ng kabutihan, mataas ang marka sa eskwela  o nagampanan ang  kanyang mga ipinag uutos o naipagtanggol ko ang aking mga kapatid sa basag ulo at sa iba pang mga bagay,
nandoon ang kanyang ngiti  ang paghaplos sa aking ulo for a job well done.


Nandoon ang pagmamalaki sa kanyang mga kaibigan. Hanggang sa magtapos ako ng pag aaral makapaghanapbuhay at magkaroon ng sariling pamilya nandoon  pa rin ang higpit ni Tatay upang ako ay magabayan. Wala ng palo wala ng haplit ng sinturon kundi ang pangaral na noong ako ay bata pa di ko maintindihan. 

Ang  mistulang parang kapatid na pakikipag kwentuhan kapag siya ay dumadalaw, ang pag aalala ang pag gabay ang labis kong kinauuhawan  dahil si Tatay ang aking idolo magpakailanman.


Sayang nga lamang at ang kanyang pagmamahal ang pag aaruga at pag gabay ay hindi na mararanasan dahil nandoon na siya sa kabilang buhay. Sa aking mga kapwa Ama ng tahanan, walang Ama na ang kanyang anak ay gustong masaktan, Gagawin ng mga ito ang lahat upang tayo ay mabigyang ng maganda at maayos na pamumuhay. 




Hanggang  may panahon pa at kung sila ay kapiling pa ninyong nabubuhay ipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal dahil kung wala na sila at nasa kabilang buhay hindi na nila ito mararamdaman.

HAPPY FATHER'S DAY SA LAHAT!!!


HOTSHOTS
By: REYMORALES │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue


















No comments:

Post a Comment