SA panahon natin ngayon , pa bago-bago ang nararanasan natin tulad ng biglaang pagbuhos ng ulan, biglaang aaraw ng matindi, biglaang lalamig, o biglaang masungit ang panahon. Hindi mo man sabihin, malaki ang epekto sa lahat ng tao, lalu na sa kalusugan, at kung nakakaapekto sa kalusugan, mas lalung malaki ang epekto sa mga taong mahilig sa sports.
Sa kabuoan, ang pagbabago bago ng panahon sa bansa ay hindi nakakatulong sa mga manlalaro, mabuti na lamang dito sa Pilipinas, ang ating klima ay hindi hadlang para mapigilan ang isa upang mapursigi ang kaniyang hangarin na mapabuti ang kanyang kalagayan.
Kung gayunman, sa panahon ng malamig ang panahon, napapalakas ang pagkain ng mataas sa Carbohydrates, na syang pinagkukunan ng mataas na sangkap na enerhiya sa katawan. At sa panahon naman ng tag-init, ang pagkuha naman ng pagkaing mataas sa mineral upang mapanatili ang kalakasan at resistensyang lumaban sa madaliang paglabas ng pawis.
Mahalaga din ang pagkakaroon ng maayos na pananamit tulad sa panahon ng taglamig, madalas kasing naninikip o ang pagkakaroon ng “muscle spasm” dahil nagiging masikip ang kalamnan ng tao sa panahon ng taglamig. Kung kaya naman ang pagsusuot ng mas makapal at pagkukulong sa mas kulob na lugar ang kinakailangan. At sa panahon naman ng taginit, mas makakabuti na magsuot naman ng mas manipis at may pagkapreskong kasuotan, sa ganitong paraan, medaling makakakilos ang isa sa kanyang laban at ensayo. Ito in ang panahon na kadalasang “expose” o hubad ang karamihan sa lahat ng dako. Subalit hindi rin dapat pabayaan ang isa sa simpleng pagkakaroon ng pawis, dahil maaari itong maging sanhi ng pagkakaroon ng sakit sa balat na kadalasan naman na nakukuha sa mga kasamang mayroon nito.
Ang kaalaman sa mga panahon upang maiwasan ang mga sakit na kumakalat at ang tamang pagpili ng pagkain upang matugunan ang pangangailangan ng katawan upang hindi makaapekto sa iyong kagalingan ay makakatulong upang hinid mahadlangan ang pag usad ng iyong sarili tungo sa pagkamit ng ginto sa araw ng laban.
Hindi dapat maging dahilan ang pagbabago ng panahon para mapabayaan ang iyong sports o ang simpleng pagulan sa ating lugar. Ang lahat ng pagbabago sa lahat ng lugar ay natural, at dapat ding kaasabay tayong sumabay upang hindi natin indahin ang pagbabago bago ng panahon. Kung gayun dapat handa rin ang isa sa lahat ng pagkakataon.
Hanggang sa muli.
SPORT DIMENSION
By: EMAN CAYABYAB│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue
Sports betting system earn +$3,624 profit last week...
ReplyDeleteZ-Code System winning picks and forecasts for NFL, NBA, MLB and NHL...