BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MAYOR STRIKE, CONGW. REVILLA WALANG DEMOLISYON SA CITY OF BACOOR


BUNGA ng inaasahang pagiging siyudad ng Bacoor, maraming informal settlers (iskwater) ang nagpahayag ng malaking takot na maaaring sila ay mapalayas sa kinatitirikang lupa na maraming taon na nilang pinanirahan Sinabi ni Mang Carding (di-tunay na pangalan) ng Zapote 2 na natatakot sila na magkakapitbahay na kung mangyaring maging siyudad ang bayan, mangyayari na ang kinatatakutan nilang demolisyon sa lugar nila.

“Di na raw matutuloy ang CMP na ipinangako noon ni Mayor Jessie (Castillo) at ang balita, may kausap na raw ang munisipyo para gawing commercial district itong lugar namin,” sabi ni Mang Carding, 54-anyos.

Ayon kay Aling Tinay, 58, mahigit nang 50 taon na silang naninirahan sa lugar, pati ang lahat ng kanyang mga kamag-anak. “Sabi nila, kay Basa raw ito, sabi naman kay Cuenca, sabi naman kay Cuevas daw,… handa kaming magbayad para amin na ang lupa ng aming tinitirhan, “ sabi ni Aling Tinay na nakiusap na ‘wag banggitin ang kanyang tunay na pangalan. 

Tinanong naman ni Emily, 34-anyos, kung ano ang nangyari sa ipinangakong CMP (community mortgage program) at sa expropriation sa lupang nasasakop ng Zapote 1, 2, 3 at bahagi ng Longos. “Noon ay nangako sa amin si Mayor Strike na may opisina sila para sa mga tulad namin … ano na po ang mangyayari kung city na ang Bacoor,… sana ay mangyari na ang CMP na ‘yan at hindi kami kakaba-kaba sa bantang demolisyon tulad nang nangyari sa Paranaque (Silverio Compound),” sabi ni Emily.

Sa meet the press kamakailan sa isang kapehan sa may Cavite Coliseum, ipinangako ni Mayor Strike walang demolisyong mangyayari sa lugar ng informal settlers sa lahat ng nasasakop ng bagong siyudad. Sa miting na kaugnay ng plebisito sa cityhood ng Bacoor sa Hunyo 23, sinang-ayunan ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla na idadaan sa legal na proseso ang problema ng tinatawag na iskwater.

“Habang ako po ang mayor ng Bacoor, wala pong mangyayaring demolition at kung magkakaroon, dadaan po iyon sa legal na proseso at poproteksiyonan natin sila,” ani Strike. 

Idinugtong ni Congw.Mercado-Revilla, maybahay ni Sen. Bong Revilla, na hahanapan muna ng relokasyon, ang mga “iskwater”, bibigyan ng suporta sa hanapbuhay at pondo sa paglilipat kung magkakaroon ng demolisyon para sa pagtatayo ng mahahalagang impraestruktura na pakikinabangan ng mga mamamayan ng lungsod. “Pangako po,” kapwa sinabi nina Mercado Revilla at ng alkalde na,”…walang ilegal na demolisyon, walang mangha-harasss sa mga mahihirap…”

Bukod sa pangakong walang ilegal na demolisyon, sinabi ni Mayor Revilla na kukumbinsihin niya ang bagong City Council na magpasa ng expropriation proceeding sa mga lupang kinatitirikan ng bahay at establisimyento mahihirap na lehitimong resident eng Bacoor.

Hiniling ni Mayor Strike sa mga konsehal na dumalo sa miting na magpasa ang mga ito ng mga bagong ordinansa na magpapahusay at magpapabilis pa ng mga serbisyong kailangangan-kailangan ng sektor ng maralita at lumikha rin ng mga programa para sa pagkakaroon ng maraming hanapbuhay sa mga taga-Bacoor.

Bukod sa maraming serbisyong pantao, kalusugan, edukasyon at hanapbuhay, kapwa nangako ang mga Revilla na wala silang sisinuhin sa mga taong ang nais o ginagawa ay ang “apihin ang mahihirap at kapos sa kabuhayana t kaalaman sa batas.”/May dagdag na ulat si Eli Taparan II

MAYOR STRIKE, CONGW. REVILLA WALANG DEMOLISYON SA CITY OF BACOOR

By: TESS LEONILLO at JUDIE CRISOSTOMO CACACTIN │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue


No comments:

Post a Comment