BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

May mapapala ba sa pagpoprotesta tungkol sa laban ni Manny Pacquiao laban kay Timothy Bradley?


Ayon sa Senate Majority Leader Harry Reid ng America, ang laban na ito ay marami ang nadismaya sa pagkakapanalo ni Bradley laban kay Pacquiao noong nakaraang Sabado (Linggo naman dito sa Pilipinas).  Sinasabing, “mahirap ang gawaing pagiging hukom sa ganitong palaro.”, dahil nga maituturing na “inexact  science” ang ganitong pagkilos. Gayunman, para sa kanya, si Pacquiao ang nanalo sa laban, kung kaya naman, minarapat niyang minungkahi na imbestigahan ang laban, dahil para sa kanya: “I feel confident there’s 
been nothing untoward, but if an investigation makes everyone feel better, do the investigation.” (Pakiramdam ko ay kumpiyansa akong walang mali sa mga nangyari, pero kung ang imbestigasyon ang kinakailangan para mapahupa ang marami, gawin ang imbestigasyon).


Karagdagan pa, minabuting gawin ang imbestigasyon ayon din sa mungkahi ng WBO (World Boxing Organization), para muling rebisahin ang laban nila. Lumabas na split decision ang hatol na kung saan ang hukom na si Duane Ford at C. J. Ross ay nagbigay ng puntos ng 115-113 pabor kay Bradley, habang si Jerry Roth ay nagbigay puntos ng 115-113 pabor kay Pacquiao. Ito ang natanggap na pagkatalo ni Manny pagkaraan ng pitong (7) taon.


Itong June 11, 2012 nagsumite na ng “complaint” sa desisyon pabor kay Bradley sa pamamagitan ni promoter Bob Arum kasama ng Top Rank Inc, sa Nevada Athletic Commision, dalawang araw pagkatapos ay inanunsyo na ng WBO na muli itong titingnan ng limang (5) international judges. 


Sa larangan naman ng balitaan sa buong mundo, matatamaan ng marami na isa itong bomba na marami ang hindi makapaniwala sa desisyon. Gayunman, hindi sa mga nakakarami ang manggagaling kalalabasan ng imbestigasyon at itigil ang mga hindi kailangang komento para hindi pagmulan ng away o iringan sa bawat panig ng manlalaro.


Kahit ano pa ang kalalabasan ng imbestigasyon, huwag sanang mawalan ng pag-asa ang mga kababayan natin, dahil hindi ito ang katapusan ng boksing career ng ating kababayang si Manny. Yun nga lang nahahaluan ng “politics” ang larong boksing sa panahon ng ganitong pagkakataon. Pero sabihin pa na nahahaluan ng pulitika, ito lamang kasi ang paraan para magkaroon ng kaso at magkaroon ng imbestigasyon, sa puntong ito marami ang umaasa na maipapaliwanag ang desisyon ng mga hukom.


Nakakatuwa lamang na mailalagay ang kaso sa panginternational na court ang kasong ganito., at napakaselan ng ganitong kaso. At  may siguradong kahahantungan ang pag-apela ng kampo ni Manny. 

Hanggang sa muli. 

SPORTS DIMENSION
By: EMAN CAYABYAB │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 49 June 17-June 23, 2012 issue







No comments:

Post a Comment