BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

MANNY PACQUIAO KAMPEON NG MGA PILIPINO!!!


EDITORYAL Vol. 9 Blg. 49 - DISMAYADO hindi lamang ang mga Pilipino sa naging resulta ng laban nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas  Nevada Hunyo 10 araw ng Linggo sa Pilipinas para sa WBO Welterweight title. Magsimula sa first round ng laban hanggang sa six rounds ay ipinakita ni Manny ang kanyang kalamangan, Ang dating agresibo at palasugod na si Bradley ay kitang kitang hindi pumasok ang mga suntok kay Pacquiao at sa mga gloves ng Pambansang Kamao tumatama.at kapag tumama naman ang kampeon ay kitang kita rin sa telebisyon kung paano ininda ito ng Californian na si Bradley. Sa mga huling rounds ay napanood din ang mga puntos ni Bradley ng maka recover ito sa mga tinamong mga suntok kay Pacquiao. Subalit daig pa ang na highway robbery ng ating Pambansang Kamao sa split decision. Batay sa scorecards, dalawang hurado ang nagbigay ng 115-113 na iskor kay Bradley para ma-kuha nito ang korona. Na ikinagulat at ikinatulala ng nakararaming nakapanood ng laban. Sari-saring reaksyon ang naging kapalit ng desisyon. Maging ang ama ni Floyd Mayweather Jr ay nagsabing si Pacquiao ang nanalo sa laban.kitang kita rin ang reaksyon ni Bradley sa telebisyon na  nagulat ng ianunsyo na ito ang bagong kampeon na pinagharian ng ating Pambansang Kamao sa loob ng anim na taon. 

Bago  pa magsimula ang laban  ipinagmayabang na ni Bradley na kaniyang gugulatin ang mundo at isa umanong “upset of the decade” ang makikita ng lahat. Subalit sa ipinamalas nito ay nakita at napanood na nawala ang kanyang kayabangan ng makatikim ng malalakas na suntok kay Pacquiao. Waring ang pag ayon  ng hurado sa split decision ang naging dahilan  upang muli itong makapagyabang.

Nagyabang din si Bradley na sa Nobyembre ay tiyak magkakaroon sila ng rematch ni Pacquiao. “I just wait Manny to make mistakes then I gave him my best shots,” sabi ni Bradley sa isang pahayag pagkatapos ng  laban. Isa na namang kayabangan hindi nito naipamalas sda laban niya kay Pacquiao. Sa isang kampeon na  sa pagkatapos ng laban ay naka wheelchair sa press conference na ang idinahilan ay ang sakit ng dalawang bukong bukong ay parang humahanap na lamang ng simpatiya na siya ang bagong kampeon, dahil kitang kita ito sa telebisyong hindi iika ika sa laban.  

Sa panig ni Manny, kaagad naman nitong binati ang bagong kampeon. “The fight is good. He (Bradley) is a good opponent. He is strong,” wika niya. Wala din umanong problema sa Pinoy boxer para sa ikalawang pagharap nila ni Bradley. 

Sa kabila ng kontrobersyal na pagkatalo ng Pambansang Kamao ay tinanggap nito ang pasya ng mga hurado
At sa muling paghaharap ng dalawa iisa ang tiyak patutunayan ng bawat isa kung sino ang tiyak na kampeon at tatanghaling HARI sa Welweight Division. tiyak din na may knock out o matutulog sa laban.Sa mata ng bawat Pilipino at sa mata ng bawat tagahanga ni Manny Pacquiao sa buong mundo ito ang kanilang kampeon at kampeon at ipinagmamalaki ng  bawat Pilipino.

No comments:

Post a Comment