BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

Ika-114 taong pagdiriwang ng Kalayaan ng Pilipinas


MULING binalikan ang mga kaganapan noon sa balkonahe ng mansiyon ni Heneral Emilio Aguinaldo, sa Kawit Cavite noong June 12, 1896, kung saan iwinagayway ni Heneral Aguinaldo ang ating watawat na sumasagisag ng ating kalayaan. Nitong June 12, 2012, sa balkonahe ng mansiyon ni Heneral Emilio Aguinaldo isang paggunita ang ipinagdiriwang na pinangunahan ni Kalihim Mar Roxas ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon ang sabay-sabay na pagtaas ng watawat ng Pilipinas sa buong bansa na nagsimula ng alas otso ng umaga.
Sinimulan ang programa sa pag-aalay ng bulaklak ni Sec. Mar Roxas sa puntod ni Heneral Emilio Aguinaldo kung saan nakasunod si Kawit Mayor Tik Aguinalldo ang apo ng Heneral.
Si Kalihim Mar Roxas ng Kagawaran ng Transportasyon at Komunikasyon na siyang nagtaas ng watawat ng


Pilipinas sa makasaysayang balkonahe sa tahanan ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Makikita sa larawan sina Governor Jonvic Remulla, 1st  District Congressman Jun Abaya, Mayor Tik Aguinaldo at Sec. Mar Roxas.

• Pinangunahan naman ni Mayor Tik Aguinaldo ang Panunumpa sa Watawat.

• Nakiisa din sa pagdiriwang ng Kalayaan si Mendez Mayor Manuel Romera.
• Buong kagalakan namang ipinakilala ni Cong. Jun Abaya ang panauhing pandangal na kanyang ipinagmamalaking kinakapatid na si Sec. Mar Roxas.
• Ang Panauhing Pandangal na si Kalihim Mar Roxas na nagpahayag na ang kaganapan sa Kawit ay masasabi na malaya na ang Pilipino. Malaya sa pagpili ng pagbabago. Ito ay magsilbing paalala sa lahat na “Bayan muna, bago ang sarili.
• Nagbigay din ng mensahe ang Ama ng lalawigan ng Cavite Governor Jonvic Remulla.
• Makikita naman sa larawang ito ang grupo nina Gen. Trias Mayor Jon-Jon Ferrer.



1 comment:

  1. Gusto mo ba ng online work?
    Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!
    Email me: tirade_uno_23@yahoo.com
    For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

    ReplyDelete