BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

“Hindi magtataas ng tax ang Bacoor sa oras na maging siyudad ito”


ITO ang mariing ipinapaliwanag nina Congresswoman Lani M. Revilla at Mayor Strike Revilla sa isang press conference sa Bialleti noong nakaraang sabado June 09, 2012. Ipinaliwanag ni Cong. Lani Revilla sa mga  mamamahayag ang tungkol sa Republic Act 7160 kung saan pinapayagan ang lahat ng lokal na pamahalaan (probinsiya, siyudad o munisipalidad)  na magdagdag ng hindi hi-higit sa sampung porsiyento (10%) sa lokal  na buwis kada limang (5) taon, at kailangan ng isang ordinansa na magmumula sa Sangguniang Panlalawigan, Panglungsod o Sangguniang Bayan upang maipatupad ito.

Maliwanag na sa loob ng limang taon na maging siyudad ang Bacoor ay hindi ito magtataas ng buwis at kung magtaas man kailangan pang pag-usapan ito sa Sangguniang Panglungsod. Ipinaliwanag naman ni Mayor  Strike Revilla ang mga benepisyo sa mga mamamayan sa oras na maging ganap nang siyudad ang Bacoor. 

Malaking bagay ang hindi na pagremit ng buwis ng Bacoor sa kapitolyo na umaabot sa Isang Daang Milyong
Piso (100M) kada taon. 

Ito ay nangangahulugan na mabigyan ng sapat na pondo ang mga serbisyo tulad ng Pangkalusugan, Edukasyon, Imprastraktura at iba pa.
Vote Yes! for City of Bacoor – Mula sa kaliwa Kosehal Rey Fabian, Konsehal Bayani De Leon, Konsehal Rey Palabrica, Mrs. Chaye C. Revilla, Cong. Lani M. Revilla, Konsehal Venus De Castro at Konsehal Jaime Sapanghila.

No comments:

Post a Comment