BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

GUARDIANS BROTHERHOOD INC. Cavite City Chapter Sumuporta sa Paggunita sa Unang Pagwagayway ng Bandila ng Pilipinas


CAVITE CITY - MATINDING suporta ang ibinigay ng GUARDIANS BROTHERHOOD INC. Cavite City Chapter sa Pamahalaang Lungsod ng Cavite sa paggunita ng Unang Pagwagayway ng Watawat ng Pilipinas na naganap sa Lungsod ng Cavite noong Mayo 28, 1898.

Makaraan ang programa sa pangunguna ni Mayor Romeo “Ohmie”Ramos at ng iba’t-ibang sektor pampubliko at pampribado na ginanap sa Samonte Park, sa lungsod na ito, nagsagawa ang Kapatirang Guardians ng isang motorcade na umikot sa buong lungsod na may kasamang mobile sound system na ipinababatid sa lahat ng mamamayan ang kahalagahan ng araw na ito para sa Lungsod ng Cavite.

Magugunitang pilit na inaangkin ng Bayan ng Imus, Cavite ang karangalan sa kaganapang ito, subalit maraming dokumentong pang-kasaysayan ang nagpapatunay na ang pangyayaring ito ay naganap mismo sa Lungsod ng Cavite matapos ang Labanan sa Alapan, Imus, Cavite sa pagitan ng mga Kastila at mga Rebolusyunaryong Pilipino.

NGO ACTIVITIES
By: JUNN YOUNG│Operation Eposé Vol. 9 Blg. 48 June 10-June 16, 2012 issue



No comments:

Post a Comment