BLG.

Cavite Expose │ TAPAT, MATINDI SA BANAT │ PCSO Lotto ResultsFOREX SMTop MoviesABOUT USHeadline MakersArchivesAdvertise with Us
ARCHIVES Vol.10 Blg. 12 Vol. 10 Blg. 13 │ Vol. 10 Blg. 14 │ Vol. 10 Blg. 15 │ Vol. 10 Blg. 16 │ Vol. 10 Blg. 17 │ Vol. 10 Blg. 18 │ Vol. 10 Blg. 19 │ Vol. 10 Blg. 20 │ Vol. 10 Blg. 21 │ VOL. 10 BLG. 28

DPWH's "clearing of obstruction" concern


KAMAKAILAN ay nagpalabas ng pag-aatas si Secretary Rogelio Singson ng DPWH hinggil sa "clearing of obstructions" sa mga pangunahing lansangan o national roads. Ika ni Singson, dapat magkaroon ng  imbentaryo sa mga "obstructions" na ito upang magkaroon ng priority engagement para sa pagpapatupad ng  naturang pag-aatas. Top priority ang mga malalapit sa paaralan at mga business establishment, mga  nakasagka na katulad ng mga junk shops, auto-repair shops, car wash, etc.


Pangunahing basehan kasi upang maging maaliwalas ang ating mga pangunahing lansangan ay dahil na rin sa  isinusulong na eco-tourism initiative ng pamahalaan Aquino III upang makaakit tayo ng mga banyagang  turista at kapitalista na siyang magpapasigla sa ating ekonomiya. Kung marami nga namang "obstructions" sa  lansangan, hindi lamang ito "eye sores" kundi magbibigay ng  masamang epekto sa trapiko na madalas  kinaiinisan ng taumbayan at mga mananakay, kabilang na siyempre ang mga turista.

Dito sa Cavite, inilapit sa atin ng isang media consultant ng provincial government ang isang delikadong  obstruction sa Noveleta-Cavite City road, bandang San Rafael, kung saan ay nagkaroon ng road  widening/road improvement. Tinukoy ng media consultant ang mga naglalakihang poste na sakop ng road  widening at ang tila hindi angkop na pagkakaaspalto dito na ang level sa asphalted sides ang may umbok na  about 2-3 inches. Nagkakaroon na rin ng pagkabuhaghag o pagkadurog dahil sa pag-ulan kung kaya't  delikado sa mga nagdaraang motorista, lalo sa mga motorsiklo. In fact, meron na rin ilang aksidente at  pagsemplang sa lugar, ayon pa rin sa media consultant. 


Pinasyalan ng manunulat na ito ang lugar na inirereklamo at kinunan natin ng photos at nakita nga natin ang  sinasabing diperensya o problema. Ating isinangguni kay District Engineer Oscar dela Cruz ang problema at  sinabing "papaayos natin ang problema sa asphalting sa kontratista upang maremedyuhan nila agad ito." Pero  yun sa mga poste, wala raw muna silang magagawa dito dahil ito'y sa Meralco o' kaya nama'y sa mga cable  ng communications. Tanging magagawa nila'y lagyan ng "warning signs" para mapansin ng mga motorista lalo  na sa gabi o masungit na panahon. 

Hinggil naman sa mga kabahayan o mga istraktura na masyadong dikit na halos sa mga kalsada, inihayag ni  DE dela Cruz na meron na silang ginawang abiso (notification) para sa mga apektadong mamamayan, lalo na  sa may Bagtas-Sanja Mayor sa Tanza-TMC road at ang pag-demolish ay isasagawa sa 2013. 
Inihalintulad ni DE dela Cruz sa isinagawang demolition noon sa Bacoor kung saan ang demolition team ay  nanggaling sa MMDA noon panahon pa ni MMDA chairman Bayani Fernando at ang nakaupong  gobernador ay si Gob. Ayong Maliksi. 


Aminado si DE dela Cruz na dapat ay magkaroon ng mahusay na kooperasyon ang provincial government,  municipal government, PNP, demolition team with DPWH team at mamamayan para sa mahusay at maayos na demolition. "Besides, political will is really necessary, to implement any demolition order," ika pa ni DE dela Cruz. 

Sa pakikipag-ugnayan din natin kay District Engineer Carlito Jose ng DPWH-Tagaytay SDEO, naidaing niya ang mahirap at masalimuot nilang kalagayan pagdating sa demolition implementation. Marami ka umanong  makakaaway, lalo na sa mga di nakakaunawa sa kahalagahan ng pag-aatas sa "clearing of obstructions"  along national roads. "Madalas na problema ay ang 'bayarin' sa mga apektadong kabahayan o istraktura  dahil hangad agad ng mga apektadong mamamayan ay kung saan sila mare-relocate na hindi sila  magagastusan. Kailangan talaga ng suporta ng LGU authorities lalo na sa pakikipag-usap sa taumbayan na  apektado dahil kami sa DPWH ay implementing body lamang kami na madalas umaani ng batikos at  pananakit."


Inihambing naman ni Asst. District Engr. Precy Ramos na nagkaroon na sila ng bad experience sa isang  demolition engagement na kung saan ay pinagbabaril ng ilang nagagalit na mamamayan ang gulong ng  kanilang mga trucks at buti na lamang daw at hindi sa mga demolition team itinutok ang pagpapaputok.

Gayunpaman, naniniwala sina DE Jose at ADE Ramos na dapat talagang ma-implement ang order ni Sec.  Singson pero kailangan ng kooperasyon ng mga ahensya ng gobyerno at pakikipagtulungan ng LGUs at  mamamayan para maisakatuparan ito.

Suma total, "political will" at "cooperation" ang dapat manaig upang maipatupad ang "clearing of obstruction"  ayon sa DPWH authorities. Ating nai-suggest na siguro'y dapat maitawid ang concerns nina DE dela Cruz,  DE Jose at ADE Ramos sa provincial government. 

Well, maybe our provincial media consultant friend can arrange a meeting with the good Gov. Jonvic Remulla  to discuss such concerns.

Abangan po ninyo ang susunod na kabanata...
DAMPI'T HAPLIT
By: DANN FABROS │Operation Eposé Vol. 9 Blg. 50 June 24-June 30, 2012 issue





No comments:

Post a Comment